ni Angela Fernando - Trainee @News | February 12, 2024
Napatay ang sinasabing 'mastermind' sa nakamamatay na pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City nu'ng Disyembre sa isang militar na operasyon sa Lanao del Sur, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Lunes.
Sinabi ng AFP sa isang pahayag na si Khadafi Mimbesa o "Engineer" ay ang amir o lider ng Dawlah Islamiyah - Maute Group.
Saad ng AFP, "Statements from a surrendered terrorist, identified as KHATAB, a high-value individual in the DI-Maute Group who surrendered to the 2nd Mechanized Brigade on February 11, have corroborated the initial information on demise of the DI-Maute Group Amir and the mastermind behind the MSU bombing."
Matatandaang mula Enero 25 hanggang 26, ikinasa ng militar ang mga operasyon na nagresulta sa pagkamatay ng 9 na itinuturing na miyembro ng Dawlah Islamiyah.
Sa unang ulat ng militar, isa sa mga napatay si Saumay Saiden na isa sa apat na pangunahing suspek sa pambobomba sa MSU.