top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 16, 2021



Inilikas ang 32 Pilipino sa Afghanistan dahil sa lumalalang tensiyon matapos pasukin ng militanteng grupong Taliban ang capital city ng naturang bansa na Kabul.


Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), inaayos at pinoproseso na ang pagpapauwi sa mga Pinoy na nananatili pa sa Kabul, Afghanistan.


Saad pa ng DFA, “The Department and its Foreign Service Posts in the region and beyond are exploring all avenues of cooperation and are closely coordinating with governments and international partners to guarantee their immediate and safe passage.”


Ang mga inilikas na 32 Pinoy ay kasalukuyan na umanong nasa Doha at naghihintay ng flights pauwi sa Pilipinas at mayroon pang 19 Pilipino na nakatakda nang umalis ng Afghanistan.


Una nang itinaas ng DFA ang Alert Level 4 sa Afghanistan dahil sa walang katiyakang seguridad sa bansa.


Samantala, nananawagan ang DFA sa iba pang mga Pinoy sa Afghanistan na makiisa sa isinasagawang repatriation effort ng ahensiya.


Saad pa ng DFA, kontakin lamang ang +923335244762 sa Whatsapp/Viber sa mga Pilipino na nangangailangan ng tulong.


Maaari rin umanong kontakin o i-message ang facebook.com/atnofficers.islamabadpe o facebook.com/OFWHelpPH at ang email na isbpeatn@gmail.com.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 9, 2021



Mahigit 30 katao ang nasawi at lagpas 50 ang sugatan sa naganap na pagsabog sa labas ng paaralan sa Kabul, Afghanistan kung saan kabilang ang ilang estudyante sa mga naging biktima noong Sabado, ayon sa awtoridad.


Niyanig ng naturang pagsabog ang west Kabul district, Dasht-e-Barchi na regular nang target ng Sunni Islamist militants, habang maraming residente ang namimili para sa Eid-al-Fitr sa susunod na linggo.


Pahayag ni Interior Ministry Spokesman Tariq Arian, “More than 30 students and other countrymen have been killed, and over 50 more were wounded. The toll is rising.”


Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon sa dahilan ng naturang pagsabog at inaasahan ding tataas pa ang bilang ng mga nasawi sa insidente. Itinanggi naman ng Taliban na sila ang nasa likod ng pagsabog.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page