ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 28, 2021
Nagsagawa ng drone strikes ang United States laban sa diumano'y planner ng Islamic-State na itinuturong nasa likod ng pagpapasabog sa Kabul airport sa Afghanistan na naging dahilan ng pagkasawi ng 13 sundalong Amerikano, ayon sa US military noong Biyernes.
Saad ni Captain Bill Urban of the Central Command, "The unmanned airstrike occurred in the Nangarhar Province of Afghanistan. Initial indications are that we killed the target. We know of no civilian casualties."
Noong Huwebes, umabot sa higit-kumulang 78 katao ang nasawi kabilang na ang 13 sundalong Amerikano nang bombahin ang Abbey Gate ng airport kung saan naroroon ang ilang puwersa ng US dahil sa pagpapalikas sa mga nais umalis ng Afghanistan.
Matapos ang insidente, kaagad namang naglabas ng pahayag si President Joe Biden at aniya, "To those who carried out this attack as well as anyone who wishes America harm, know this: We will not forgive. We will not forget. We will hunt you down and make you pay.”