top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 20, 2024




Hindi pinayagan ng United Kingdom Special Forces ang mga sundalo ng Afghanistan na manirahan sa kanilang bansa at agad itong hinarang.


Kasama ang mga Afghan sa mga sundalo ng UK na lumaban sa Taliban.


Matapos na makuha ng Taliban ang kontrol na pamunuan ang Afghanistan ay sumubok ang ilan sa mga sundalong lumipat at manirahan na sa UK.


Matatandaang nalagay sa panganib ang Afghan Special Forces unit CF 333 at ATF 444 o “Triples” na kasama ng UK sa pagharap sa puwersa ng Taliban nu'ng Agosto 2021 dahil tagumpay na nakuha ng kalabang bansa ang kontrol sa Afghanistan.


 
 

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | July 25, 2023




Patay ang 12-katao sa naganap na flash flood sa central Afghanistan.


Bukod sa mga nasawi, mayroon ding 40-katao ang patuloy pa ring pinaghahanap.


Nagbunsod ang nasabing flash flood dahil sa ilang araw na malalakas na pag-ulan.


Ayon kay Zabihullah Mujahid, nagpadala umano agad sila ng rescue teams sa Jalrez district ng Maidan Wardak province.


 
 

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | July 6, 2023




Iniutos ng Taliban na ipasara ang lahat ng mga hair at beauty salon sa Afghanistan.


Ayon sa tagapagsalita ng Vice and Virtue Ministry, mayroon umano silang isang buwan para sumunod sa kautusan.


Mula nang makuha ng Taliban ang pamamahala sa Afghanistan, naghigpit ang mga ito sa batas para sa mga kababaihan. Matatandaang pinagbawalan ng Taliban na pumasok sa kolehiyo at makapagtrabaho sa United Nations ang mga kababaihan.


Bukod dito, naghigpit din ang mga ito sa kasuotan ng mga kababaihan na kung saan ay dapat mata lamang ang makikita sa kanila.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page