by Info @Brand Zone | August 9, 2024
Pinatupad ng PhilHealth ang pagtataas sa Case Rates noong Pebrero 14, 2024, kasabay ng ika-29 anibersaryo nito. Bilang suporta sa mga mamamayang apektado ng pagtaas ng mga presyo dahil sa inflation, minarapat ng ahensyang i-adjust ang halaga ng mga benefit packages nito matapos ang isang dekada. Ang mga ito ay magagamit sa lahat ng PhilHealth-accredited facilities sa bansa – mula sa Levels 1-3 hospitals hanggang sa mga infirmaries at animal bite package providers.
Magkano na ngayon ang halaga ng Case Rates?
Halimbawa, ang pakete sa emphysema ay dating P11,400. Kapag dinagdagan ng 30% nito o P3,420 ay P14,820 na. Ganoon din sa iba pang inpatient at outpatient cases.
Pero dapat tandaan na hindi na i-a-adjust ang mga benepisyong na-adjust na sa nakalipas na limang taon tulad ng hemodialysis na kamakailan lang ay itinaas sa P4,000 ang coverage kada session mula sa dating P2,600. Pati narin iyong mga pinag-aaralang palakihin at mga bagong benefit package tulad Outpatient Mental Health Benefits Package.
Paalala pa ng PhilHealth, na hindi dapat singilin ng dagdag-bayad ang pasyente kapag siya ay na-confine o ginamot sa public/ward accommodation ng pampubliko o pribadong pasilidad. Ibig sabihin, sagot na ng Case Rates ang kabuuang hospital bill.
Magkakaroon lang ng dagdag bayarin kapag pinili ng pasyenteng ma-confine sa private room at gumamit ng mga serbisyong hindi kailangan para gamutin ang kaniyang karamdaman.
Makaaasa ang lahat ng Filipino na patuloy ang ginagawang pagpapabuti ng inyong PhilHealth sa National Health Insurance Program para masiguro ang kapanatagan ng loob ng lahat kapag humaharap sa gastusing medikal. Para sa kumpletong listahan ng mga medical at procedure Case Rates na saklaw ng 30% adjustment, mag-login sa