by SM Supermalls - @Brand Zone | March 2, 2021
Enjoy awesome discounts for #AweSMWomen every Wednesday of March!
For more events click here : smsupermalls.com/mall-sale-events/
by SM Supermalls - @Brand Zone | March 2, 2021
Enjoy awesome discounts for #AweSMWomen every Wednesday of March!
For more events click here : smsupermalls.com/mall-sale-events/
ni Fely Ng - @Bulgarific | January 24, 2021
Hello, Bulgarians! Kasunod ng tagumpay ng unang batch ng “A Dose of Hope” na nakakuha ng 2.6 milyong doses ng bakuna sa bansa, pinirmahan na nina Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion, Country President of AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines Inc. Lotis Ramin, Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr., Presidential Spokesperson Harry Roque at Ambassador Daniel Pruce ng British Embassy ang second wave na may kabuuang 17 milyong doses ng AstraZeneca vaccine. Ito ay donasyon ng 300 private sector at 39 LGUs na kumuha ng AstraZeneca vaccine na kasama rin sa nasabing ceremonial signing.
“I like to thank first Secretary Charlie Galvez. Without your support, this tripartite agreement would have not been possible. Also, I like to thank the CEO of AstraZeneca, Lotis Ramin. Without your doses, we will not be here today to sign the agreement. We admire your company and your patriotism. These vaccines are really the way forward in helping our Filipino save lives and livelihood. Ambassador Pruce for all your efforts in forging this partnership and helping the negotiations move forward. And the private sector, our donors. The first batch was about 35 of the conglomerates who supported the program, and in the second batch, around 300 companies supported the program. And of course, our LGUs, who are now part of the Dose of Hope, 39 of them,” ani Concepcion.
Nagbigay din ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing, “There is light at the end of the tunnel, national recovery is within sight. As we bounce back and heal as one, I commend the business community and the LGUs for your ramping of support for our nation's fight against COVID-19...You have my full support. Together, we can ensure a safe, sure, and secure roll-out of our National Immunization Program. Today, let us reaffirm our vow to ourselves and renew our guarantee to the people...A tripartite agreement is a true showcase of unity of purpose and principled partnership benefiting our public – this is Bayanihan at work.”
Ang programang ito ay lubos ding sinuportahan ng ilang LGUs na siniguradong ang vaccine para sa kanilang mga residente tulad nina Mayor Sara Duterte, Mayor Imelda Calixto-Rubiano, Mayor Rex Gatchalian, Mayor Joy Belmonte, Mayor Francis Zamora, Mayor Toby Tiangco, Mayor April Aguilar-Nery, Mayor Abby Binay, Mayor Carmelita Abalos, Mayor Edwin Olivarez, Mayor Jaime Fresnedi, Mayor Oscar Malapitan, Mayor Isko Moreno, Mayor Vico Sotto, at Tracing Czar Mayor Benjie Magalong at iba pa.
Kaya naman, nagpasalamat si Concepcion sa walang-sawang pagsuporta ng mga ito at sinabing “Thank you to the President and to Secretary Galvez for allowing the LGUs to be part of this tripartite agreement and forge one of the best private-partnerships that I've seen achieve a common goal – bringing the vaccine to the Philippines, especially at times like this. Moving forward, we hope that AstraZeneca will continue to support us as we know the demand for vaccines, especially coming from LGUs and the private sector, is quite immense. The Philippines definitely will not be left behind in this fight.” Sa kabuuan, mayroon ng kabuuang 15 milyong doses na bakuna ang nalikom mula sa 3 milyong donasyon ng pribadong sector at 12 milyong donasyon mula sa LGUs.
ni Fely Ng - @Bulgarific | January 21, 2021
KAMAKAILAN ay nakita natin ang Facebook post ng isang sikat na personalidad sa larangan ng musika na si John Lesaca.
Sa kanyang FB post, pinuri niya ang Meralco, partikular ang business center nito sa
Commonwealth, dahil sa mahusay na customer service.
Ibinida ng biyolinista ang magandang serbisyo nang sumadya ito sa Meralco Commonwealth.
Ang nasabing post ay inumpisahan ni Lesaca sa pagkukwento na bago dumating ang COVID-19 pandemic ay nakaugalian na niyang sumadya sa opisina ng Meralco upang personal na magbayad ng kanyang bill.
Aniya, bagama’t mahaba ang pila para sa mga senior citizen, matagal na ang 30 minuto na paghihintay upang makabayad. Mas matagal pa raw ang kanyang biyahe dahil sa trapik.
Ngayong panahon ng pandemya, ang kanyang ikinabahala lamang ay ang paghihintay sa labas ng opisina dahil sa pagpapatupad ng social distancing. Buti na lamang daw at mayroong inihandang tent ang Meralco pati na rin mga bentilador upang masigurong komportable ang mga nakapila sa labas.
Hinangaan ni Lesaca ang taglay na kahusayan, pagiging propesyonal, at pagiging magalang ng mga frontliner ng Meralco sa mga customer. Sila umano ang dapat tularan ng customer service ng ibang mga utility company.
Pinuri din ni Lesaca ang mahusay na serbisyo ng mga guwardya na pawang mga alisto at inaalalayan ang lahat ng mga senior citizen na nagsasadya sa opisina.
Sa dami ng taong dumaragsa sa Meralco lalo na ngayong nagbalik na ang pagpuputol nito ng serbisyo ng kuryente ng mga customer na hindi nakababayad ng bill sa tamang oras, tiyak na daan-daang customer ang nakakaharap ng mga frontliner nito kada araw.
Alam naman natin na ngayong pandemya ay hindi madali ang maging frontliner.
Dala ang matinding pagod at stress sa trabaho, at ang pangamba na magkaroon ng sakit na COVID-19 sa dami ng nakakaharap na customer, talagang maituturing na isang kahanga-hangang bagay ang panatilihing mahusay at kaaya-aya ang serbisyong inihahatid ng mga frontliner sa bawat customer.
Nawa’y tayo, bilang customer ay maging mabait din sa ating mga frontliner lalo na kung
mahusay ang ating serbisyong nakukuha.
Tiyak na marami ang namomroblema at umiinit ang ulo dahil sa Meralco bill ngunit, sana ay huwag natin ibuhos sa mga frontliner ang stress at galit.
Huwag nating awayin ang mga taong itinataya ang kanilang kalusugan makapagbigay lamang ng serbisyo sa atin.
Parati nating isaisip na sila ay tao lamang na napapagod din at may hangganan ang enerhiya at pasensya.
Sana ay maging mas sensitibo tayo sa kalagayan ng lahat ng frontliner sa bansa.
Ang isa ring kapansin-pansin at kahanga-hangang bagay sa kuwentong ito ay ang malinaw na katotohanang ang isang sikat na personalidad na kagaya ni John Lesaca ay pumipila sa Meralco na parang ordinaryong mamamayan. Sana ay magsilbi siyang ehemplo, na hindi por que sikat ay kailangang espesyal ang pagtrato.
Sana ay mas marami pang kagaya ni John Lesaca na nananatiling mapagkumbaba sa kabila ng kanyang kasikatan.