ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 16, 2021
NakikitA ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde na ang kanyang girlfriend na si Maine Mendoza na ang siyang "the one" para sa kanya.
Inamin ito ni Arjo sa isang panayam na isinagawa sa kanya ni Julius Babao sa kanyang vlog tungkol sa kanilang plano ni Maine sa hinaharap.
Naitanong ni Julius sa aktor kung napag-uusapan na ba nila ni Maine ang tungkol sa kasalan.
Sagot agad ni Arjo, "Yes, of course, napag-uusapan 'yan. I'm at the right age. We're not getting any younger. And we're both very happy. Hopefully until we get old.
"Ito na po 'yun. Sobrang mahal ko po 'yung tao, eh," pag-amin niya.
Ipinaliwanag din ni Arjo ang mga katangiang nakikita o nagustuhan niya kay Maine para tawagin niyang ''the one”?
"Very hard to explain how a person can be unique the way you see them. But to me, she's a very loving person, mabuti ang puso niya. That's also very hard to find, 'yung sincerity. And grabe magmahal.
"But 'yun po, hindi ko po ma-explain. Grabe po, eh. It's a different way of... iba po, eh. I'm overwhelmed with the way I love her and she loves me back. It's a different understanding. I think I found a best friend [and] partner," aniya.
Inamin din niyang “soulmate" niya ang dalaga, "Yes. Whatever adjective it may be, yes."