ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Nov. 21, 2024
Photo:Hilda Koronel - Instagram
Sa muli niyang pagbabalik-showbiz, ikinuwento ng multi-awarded actress na si Hilda Koronel sa ginanap na mediacon ang kanyang comeback film. Napakahirap daw na desisyon sa actress ang pagtalikod sa showbiz, sa kasagsagan ng kanyang kasikatan. Sa Amerika kasi nagtatrabaho noon ang asawa niyang si Ralph Moore, Jr.
Umpisa ni Hilda, “Mahirap na desisyon. I had to leave everything because my husband works in California.
“I had to go. I had no choice but to go. I left everything, my career, so medyo mahirap. The first three years, I was crying and crying.”
Nagkukuwento ang actress tungkol sa mga karanasan niya bilang ordinaryong mamamayan sa California.
“Naghuhugas ako ng pinggan, etc. And then, nasa Immigration ako, hindi nila ako makuhanan ng fingerprints kasi may bubbles daw.” natatawa niyang kuwento.
“Sabi ko, ‘You know why? Hindi ako naghuhugas ng pinggan sa Maynila.’
“They were laughing and laughing at me, so it was like an experience talaga na iba.
“And up to now, I don’t even know how to put gas in my car. My husband does it for me. So, it was like, ‘Oh, my gosh, sa Maynila, I don’t even have to go down.’
“‘Pag ikinukuwento ko ‘yun sa Amerika, they’re like shocked also, like, ‘What, you have maids there?’ Kasi, ‘Parang may slaves kayo du’n?’
“[I told them] ‘No, no, no. They’re like family to us. They stay with us like forever, 25 years, 30 years.’”
Habang nasa Amerika ay pinagtuunan daw ni Hilda ang pagiging maybahay, hanggang sa pumanaw ang kanyang mister noong Huny, 2023.
Kuwento niya, “Mostly talagang I just became a housewife, and I just concentrated on that when we were together for thirty years before he passed. So I was just like, I wanted to really make it work and it did.
“Magpo-fold ka ng clothes, isa-isa ‘yun, ilalagay mo sa mga drawer. ‘Yun ang mga ginagawa ko, mga normal. Tapos, magluluto ako ng almusal, ng hapunan.
“‘Pag weekend, mula umaga, tanghali, hanggang gabi, talagang full-time ako, and I have my animals.
“I’ve been in this [acting] business since 1969, matagal na, so parang ibang phase naman. Parang nagpahinga ako nang konti.”
Ayon kay Hilda, ibang-iba ang Pasko sa Amerika at sa ‘Pinas. Mas naaalala raw niya ang nakasanayang masayang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas.
Ayon sa actress, ipinatanggal niya ang TFC (The Filipino Channel) sa kanilang tahanan sa Amerika dahil sa lungkot na nararamdaman nila ng kanyang asawa.
“Malungkot nang konti ‘yung Christmas. I used to have TFC. Kaming mag-asawa, iyak nang iyak tuwing makikita namin ‘yung tiangge, the decorations, which I am seeing now, which I missed in the U.S.
“Iyak ako nang iyak, tinanggal ko ‘yung TFC ko. Nalungkot ako for awhile,” sabi ni Hilda.
Dahil nag-iwan siya ng legacy bilang magaling na actress dito sa ‘Pinas, kahit nasa ibang bansa na siya, hindi raw nawawalan ng acting offers si Hilda, pero pinipili niya ang mga proyektong tatanggapin.
“Actually, before the pandemic, I had an offer already. There were two films I was supposed to do, sinagot ko na ‘yun. Then I had pneumonia. I was hospitalized for five days.
“And they were calling and calling my husband, ‘She has to come already.’ Thank God, nangyari sa ‘kin ‘yun, kung hindi, dito ako [sa Pilipinas] aabutin ng pandemic. Then for two years, hindi ako lumabas ng bahay.”
Dagdag ni Hilda, “Every year, marami akong offers, eh, but I wanted to really choose my…
“At this point in time, I believe I have the right to choose kung ano ang movie na gusto kong gawin. Gusto ko, maganda talaga.”