ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Marso 8, 2024
Dear Chief Acosta,
Isang taon na akong namamasukan bilang isang kasambahay dito sa Maynila. May karapatan ba akong makatanggap ng 13th month pay? -- Toyang
Dear Toyang,
Malinaw na nakasaad sa Republic Act No. 10361, o kilala bilang “Batas Kasambahay”, na ang isang kasambahay ay may karapatan sa 13th month pay. Ang eksaktong probisyon ng nasabing batas ay sinipi sa ilalim ng:
“SEC. 25. Payment of Wages. – x x x
The domestic worker is entitled to a thirteenth month pay as provided for by law.”
Kaugnay nito, alinsunod sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng nasabing batas, ang isang kasambahay na nakapagbigay nang hindi bababa sa 1 buwang serbisyo ay may karapatan sa 13th month pay na hindi bababa sa 1/12 ng kanyang kabuuang pangunahing suweldo na kinita sa isang taon ng kalendaryo:
“RULE IV RIGHTS OF KASAMBAHAY
SECTION 1. Rights and Privileges of Kasambahay. – The rights and privileges of the Kasambahay, are as follows: xxx
(b) Other mandatory benefits, such as xxx 13th month pay; xxx
SECTION 8. Thirteenth-Month Pay. – The Kasambahay who has rendered at least one (1) month of service is entitled to a thirteenth-month pay which shall not be less than one-twelfth (1/12) of his/her total basic salary earned in a calendar year.
The thirteenth-month pay shall be paid not later than December 24 of every year or upon separation from employment.”
Ibig sabihin, ayon sa mga nabanggit na probisyon, kung hindi ka pa nababayaran ng 13th month pay, ikaw ay may karapatang hingin ito mula sa iyong amo.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.