ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Marso 19, 2024
Dear Chief Acosta,
Habang naglalakad ako sa eskinita pauwi sa aming bahay ay may nakasalubong akong mga construction workers. Sabi nu’ng isa, “Hi, sexy. Samahan na kita pauwi,” na nagdulot ng takot sa aking kaligtasan. Mayroon bang batas na nagpoprotekta sa mga kababaihan laban sa ‘catcalling’? -- Mikka
Dear Mikka,
Para sa iyong kaalaman, mayroong batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan. Ayon sa Section 4 ng Republic Act (R.A.) No. 11313 o “Safe Spaces Act”:
“Section 4. Gender-Based Streets and Public Spaces Sexual Harassment. -- The crimes of gender-based streets and public spaces sexual harassment are committed through any unwanted and uninvited sexual actions or remarks against any person regardless of the motive for committing such action or remarks.
Gender-based streets and public spaces sexual harassment includes catcalling, wolf-whistling, unwanted invitations, misogynistic, transphobic, homophobic and sexist slurs, persistent uninvited comments or gestures on a person’s appearance, relentless requests for personal details, statement of sexual comments and suggestions, public masturbation or flashing of private parts, groping, or any advances, whether verbal or physical, that is unwanted and has threatened one’s sense of personal space and physical safety, and committed in public spaces such as alleys, roads, sidewalks and parks. Acts constitutive of gender-based streets and public spaces sexual harassment are those performed in buildings, schools, churches, restaurants, malls, public washrooms, bars, internet shops, public markets, transportation terminals or public utility vehicles.”
Sang-ayon sa nasabing batas, ang sinumang magbitaw ng mga hindi kanais-nais at hindi kaaya-ayang sekswal na pananalita sa sinumang tao, na nagdulot ng panghihimasok sa personal na espasyo at takot sa kaligtasan ng isang indibidwal, ay maikokonsiderang gender-based streets and public sexual harassment na maaaring magdulot ng pananagutan sa ilalim ng Safe Spaces Act.
Kaya naman, ang mga malalaswa o sekswal na pananalita na binitiwan ng isa sa mga construction workers na nagresulta sa panghihimasok sa iyong personal na espasyo at takot para sa iyong personal na kaligtasan, ay maaaring parusahan ng multa, community service at/o pagkakakulong sa ilalim ng Safe Spaces Act alinsunod sa Seksyon 11 nito.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.