ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | October 29, 2023
Mahalaga na sa isang komunidad ang mga mamamayang naninirahan dito ay magkakasundo upang magkaroon ng kaayusan.
Ito ay maaari lamang maisakatuparan kung ang lahat ng mamamayan ay igagalang ang karapatan ng bawat isa. Bawat magkakapitbahay ay may tungkulin at karapatan.
Tungkulin ng bawat tao na kumilos nang may paggalang sa karapatan ng ibang taong nakapaligid sa kanya. Ang lahat ng karapatan ay may kaakibat na responsibilidad. Ang responsibilidad na igalang din ang katahimikan at kaayusan ng buhay ng kanyang kapwa tao.
Ang responsibilidad na ito ay nakapaloob sa probisyon ng ating batas, partikular na ang Artikulo 19 ng New Civil Code of the Philippines, kung saan nakasaad ang mga sumusunod:
“Art. 19. Every person must, in the exercise of his rights and in the performance of his duties, act with justice, give everyone his due, and observe honesty and good faith.”
Kasama sa magandang pakikitungo ng mga mamamayan sa isang komunidad ay ang pagrespeto sa kalusugan at sa mga ari-arian ng kanilang mga kasamahan sa komunidad. May karapatan ang bawat may-ari ng lupa na lagyan ng bakod ang kanyang bakuran. Maaari rin siyang magtanim ng mga punongkahoy at mag-alaga ng mga hayop. Subalit, kaakibat ng mga karapatang ito ay ang obligasyong pasiguruhan na ang kanyang mga pagmamay-ari ay hindi nakasasagabal sa maayos na paggamit ng kanyang katabing kapitbahay ng kanyang mga pagmamay-ari.
Sa mga nag-aalaga ng mga hayop, dapat na pasiguruhan din nila na hindi ito gagala sa bakuran ng kanyang kapitbahay o magiging sanhi ng hindi magandang amoy sa kapaligiran. Ang nasabing pag-aalaga ng aso at pusa, bagama’t ito ay legal at hindi ipinagbabawal, may kaakibat na obligasyong siguraduhing hindi ito magdudulot ng pinsala sa kanilang mga kapitbahay, dahil kapag ito ay naging sanhi ng pagkapinsala ay maaaring ituring ito bilang “nuisance”.
Ang mga angkop na probisyon sa ating batas na may kinalaman sa problemang pang-aabala ng isang kapitbahay ay ang Artikulo 694 at 695 ng New Civil Code of the Philippines. Dito nakapaloob ang mga gawain na maaaring ituring na uri ng nuisance o pang-aabala. Anumang gawain na maaaring maglagay sa alanganin ang kalusugan ng isang tao ay itinuturing na nuisance.
Sa mga kaso na pinamagatang Rana versus Wong, G.R. No. 192861, June 30, 2014 at Rosario versus Rana, G.R. No. 192861, June 30, 2014, inilahad ng Korte Suprema, sa pamamagitan ni Honorable Associate Justice Estela M. Perlas-Bernabe, ang nuisance bilang:
“xxx any act, omission, establishment, business, condition of property, or anything else which: (1) Injures or endangers the health or safety of others; or (2) Annoys or offends the senses; or (3) Shocks, defies or disregards decency or morality; or (4) Obstructs or interferes with the free passage of any public highway or street, or any body of water; or (5) Hinders or impairs the use of property”. Based on case law, however, the term “nuisance” is deemed to be “so comprehensive that it has been applied to almost all ways which have interfered with the rights of the citizens, either in person, property, the enjoyment of his property, or his comfort.
Article 695 of the Civil Code classifies nuisances with respect to the object or objects that they affect. In this regard, a nuisance may either be: (a) a public nuisance (or one which “affects a community or neighborhood or any considerable number of persons, although the extent of the annoyance, danger or damage upon individuals may be unequal”); or (b) a private nuisance (or one “that is not included in the foregoing definition" [or, as case law puts it, one which “violates only private rights and produces damages to but one or a few persons”]).”
Sa parehas na kaso na aming inilahad sa itaas, malinaw na nakasaad din ang mga hakbanging maaaring ihain ng isang taong biktima ng nuisance katulad ng mga sumusunod:
“Aside from the remedy of summary abatement which should be taken under the parameters stated in Articles 704 (for public nuisances) and 706 (for private nuisances) of the Civil Code, a private person whose property right was invaded or unreasonably interfered with by the act, omission, establishment, business or condition of the property of another may file a civil action to recover personal damages. Abatement may be judicially sought through a civil action therefor if the pertinent requirements under the Civil Code for summary abatement, or the requisite that the nuisance is a nuisance per se, do not concur. To note, the remedies of abatement and damages are cumulative; hence, both may be demanded.”
Ang nakasusulasok na amoy na sanhi ng mga dumi ng mga alagang aso at pusa na maaari ring maging dahilan ng pagkakasakit ng ibang miyembro ng komunidad ay maituturing na public nuisance, ayon sa batas at depinisyon na isinaad ng Korte Suprema sa kasong nabanggit sa itaas. Sang-ayon sa batas, ang mga remedyo laban sa public nuisance ay ang mga sumusunod:
1. A prosecution under the Penal Code or any local ordinance;
2. A civil action;
3. Abatement, without judicial proceedings. (Article 669, New Civil Code of the Philippines)
Kapag ang hakbang na napili ay ang Abatement of Nuisance, kinakailangan na isagawa muna ang mga alituntuning isinasaad ng batas sa ilalim ng Article 704 ng New Civil Code of the Philippines, kung saan nakasaad na:
“Any private person may abate a public nuisance which is specially injurious to him by removing, or if necessary, by destroying the thing which constitutes the same, without committing a breach of the peace, or doing unnecessary injury. But it is necessary:
1. That demand be first made upon the owner or possessor of the property to abate the nuisance;
2. That such demand has been rejected;
3. That the abatement be approved by the district health officer and executed with the assistance of the local police; and
4. That the value of the destruction does not exceed three thousand pesos.”
Ang pagpapatigil sa nasabing nuisance at paghingi ng kaukulang bayad pinsala ay maaaring parehas na hilingin sa hukuman.