ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 1, 2023
Dear Chief Acosta,
Lagi na lamang nagtataas ng renta sa upa ang aking landlord. Nito lamang kasalukuyang taon ay pangalawa nang beses siya nagtaas ng renta. Apat na libo piso lamang ang aking renta pero kahit ganoon ay mabigat pa rin para sa akin ang sunud-sunod na pagtaas ng renta ng aking landlord. Tama at legal ba ito? - Caloy
Dear Caloy,
Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay Sections 4 at 5 ng Republic Act No. 9653 o mas kilala bilang Rent Control Act of 2009, kung saan nakasaad na:
“Section 4. Limit on Increases in Rent. - For a period of one (1) year from its effectivity, no increase shall be imposed upon the rent of any residential unit covered by this Act: Provided, That after such period until December 31, 2013, the rent of any residential unit covered by this Act shall not be increased by more than seven percent (7%) annually as long as the unit is occupied by the same lessee: Provided, further, That when the residential unit becomes vacant, the lessor may set the initial rent for the next lessee: Provided, however, That in the case of boarding houses, dormitories, rooms and bedspaces offered for rent to students, no increase in rental more than once per year shall be allowed.
Section 5. Coverage of this Act. - All residential units in the National Capital Region and other highly urbanized cities, the total monthly rent for each of which ranges from One peso (P1.00) to Ten thousand pesos (P10,000.00) and all residential units in all other areas, the total monthly rent for each of which ranges from One peso (P1.00) to Five thousand pesos (P5,000.00) as of the effectivity date of this Act shall be covered, without prejudice to existing contracts.”
Ang effectivity ng nasabing batas ay ilang beses nang pinalawig ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD). Ang pinakahuli ay sa pamamagitan ng National Human Settlements Board Resolution No. 2022-1 na may petsang 23 Disyembre 2022 kung saan in-extend ang rent control hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon.
Kaya naman, sang-ayon sa nabanggit, bawal mag-increase ng upa ang lessors nang higit sa isang beses sa loob ng isang taon. Bukod pa ito sa limitasyon ng pagtaas na maaaring ipataw kada taon. Dahil ang iyong renta ay pasok sa halagang sakop ng Rent Control Act, hindi tama o ilegal ang pagtaas ng iyong renta nang dalawang beses sa loob ng isang taon. Para sa paglabag na ito, maaaring mapanagot sa batas ang iyong landlord.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.