ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Pebrero 25, 2024
Ang Republic Act (R.A.) No. 7875 o ang National Health Insurance Act of 1995, na inamyendahan ng R.A. No. 9241 at R.A. No. 10606, ay ipinasa ng Kongreso upang bigyang- daan na makakuha ng serbisyong medikal ang mga tao sa abot-kayang halaga, lalung-lalo na sa mga kapuspalad nating kababayan. Ito ay batay sa polisiya ng estado na pagtibayin at ihatid sa mga mamamayan ang mga serbisyong medikal sa mababa at abot-kayang halaga sa pamamagitan ng pagtatag ng Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) at National Health Insurance Program para sa lahat ng Pilipino.
Upang bigyang katuparan ang layuning ito ng estado, nagtalaga ang Kongreso sa National Insurance Act ng mga gabay para sa implementasyon at pagsasakatuparan ng programa. Ilan sa mga gabay na ito ang mga sumusunod:
1.Allocation of National Resources for Health. - Bibigyan ng gobyerno ng prayoridad ang kalusugan na isang istratehiya para magkaroon ng mas mabilis na paglago ng ekonomiya at maisaayos ang kalidad ng buhay.
2. Universality - Bibigyang prayoridad ng programa na mapagkalooban ang lahat ng mamamayan ng kahit man lang basic minimum package ng health insurance.
3.Equity - Ang programa ay dapat magbigay ng pantay-pantay na pangunahing benepisyo. Ang karapatan sa health care ay marapat idinidikta ng pangangailangang pangkalusugan ng isang mamamayan at hindi ng kanyang kakayahang magbayad.
4. Responsiveness - Ang programa ay dapat matugunan ang pangangailangang pangmedikal ng mga miyembro sa anumang estado o yugto ng kanilang buhay.
5.Compulsory Coverage - Ang lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas ay kinakailangang ma-enrol sa National Health Insurance Program.
6. Care for the Indigent - Ang gobyerno ang may responsibilidad na bigyan ng basic package ng mga kailangang serbisyong medikal ng mga mahihirap na mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng premium subsidy o direktang pagbibigay ng kinakailangang serbisyo.
Ang tinatawag na benefit package ay iyong serbisyo na alay ng National Health Insurance Program para sa mga miyembro ng programa. Ang mga benefit package na ito ay ang mga sumusunod:
a) Inpatient hospital care:
1. Room & board;
2. Services of Health Care Professionals;
3. Diagnostic, laboratory and other medical examination services;
4. Use of surgical or medical equipment and facilities;
5. Prescription drug and biological, subject to the limitations set by law;
6. In-patient education packages;
b) Outpatient care:
1. Services of health professionals;
2. Diagnostic, laboratory, and other medical examinations services;
3. Personal preventive services; and
4. Prescription drugs and biological, subject to the limitations set by law.
c) Emergency and transfer services;
d) Such other health care services that the corporation and the DOH shall determine to be
appropriate and cost-effective.
Hindi kasama sa mga benepisyong makukuha sa programa ang non-prescription drugs; out- patient psychotherapy and counselling of mental disorders; drug and alcohol abuse or dependency treatment; cosmetic surgery; home and rehabilitation services; optometric services; normal obstetrical delivery; at cost-ineffective procedures na pagpapasyahan ng PHIC.
Para makakuha ng mga benepisyo mula sa National Health Insurance Program, ang isang miyembro ay marapat na nakapagbayad ng kanyang kontribusyon para sa 3 buwan sa loob ng 6 na buwan bago ang unang araw na gagamitin niya ang benepisyo. Subalit, ang mga retirees at pensioners ng SSS at GSIS, mga miyembro na umabot na sa kanilang pagreretiro at nakapagbayad ng 120 na buwanang kontribusyon at mga enrolled indigents ay hindi na kinakailangan pang magbayad ng kontribusyon upang makakuha ng benepisyong itinatakda ng National Health Insurance Program.