ni Lolet Abania | February 16, 2021
Labing-anim ang sugatan habang tatlo ang nasa kritikal na kondisyon matapos na isang swing ride sa amusement park sa Hunan Province sa central China ang nawasak kamakalawa nang hapon, ayon sa lokal na awtoridad sa lugar.
Naganap ang insidente bandang alas-3:40 ng hapon sa Shaoyang County sa central China.
Ayon sa opisyal ng lalawigan, nawalan ng kontrol ang "flying chair" swing ride dahil sa isang mechanical glitch na naging dahilan ng pagkahulog ng mga turistang nakasakay.
Agad na isinugod ang mga biktima sa pinakamalapit na ospital habang ang parke ay pansamantalang isinara. Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang local authorities sa naganap na aksidente.