top of page
Search

ni Lolet Abania | May 16, 2021




Tinatayang pitong Indonesian ang nalunod matapos na tumaob ang overloaded umanong bangka habang sinusubukan ng mga turistang mag-selfie na patungo sa Java island, ayon sa mga awtoridad ngayong Linggo.


Ayon kay Central Java police chief Ahmad Lutfi, nangyari ang insidente makaraang ang 20 pasahero ay naisipang pumuwesto sa isang bahagi ng bangka para kumuha ng isang group photo kung saan sila ay nasa lugar na ng Boyolali Regency.


“The cause of the accident was overcapacity,” ani Lutfi sa mga reporters. “The 20 people took a selfie on the right side then the boat lost balance and flipped,” dagdag niya.


Sa ulat ng pulisya, 11 indibidwal ang nasagip subalit patay na nang matagpuan ang pito. Patuloy naman ang paghahanap ng mga rescuers sa dalawa pang nawawala sa tumaob na bangka.


Inaalam na rin ng mga awtoridad kung may nangyaring kapabayaan mula sa namamahala ng boat rides sa naturang lugar. Sinabi pa ni Lutfi na isang 13-anyos ang timon ng bangka.


Ayon sa report, karaniwan na ang boat accidents sa Indonesia na isang arkipelago sa Southeast Asia na mayroong 17,000 isla, at dahil din sa kakulangan sa ipinatutupad na safety standards.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 15, 2021



Dalawampu't isa ang patay at 3 ang sugatan matapos salpukin ng truck ang isang bus sa southern Egypt noong Martes, ayon sa awtoridad.


Sa highway sa southern province ng Assiut naganap ang insidente kung saan nag-overtake diumano ang bus sa truck na naging dahilan ng pagkakabanggaan ng dalawa. Parehong nagliyab ang dalawang sasakyan, ayon kay Assiut Gov. Essam Saad.


Kaagad namang isinugod sa ospital ang mga biktima.


Ayon sa awtoridad, under reconstruction ang naturang kalsada kung kaya’t walang traffic signs.


Tinatayang aabot sa 18 katao ang nasunog at ang dalawang drivers ay kabilang din sa mga pumanaw.


Samantala, ayon sa ulat, madalas nagaganap ang traffic accidents sa Egypt at base sa statistics ng naturang bansa, tinatayang aabot sa 10,000 ang naitalang road accidents noong 2019 kung saan 3,480 ang namatay.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 5, 2021




Magbibitiw sa puwesto bilang transport minister ng Taiwan si Minister Lin Chia-lung matapos ang madugong insidente kung saan marami ang nasawi sa train crash noong nakaraang linggo sa eastern city ng Hualien.


Kumpirmadong 50 katao ang nasawi at 200 ang sugatan matapos bumangga sa isang truck ang express train na may lulang 500 pasahero noong Biyernes.


Ayon kay Lin sa kanyang Facebook page, magbibitiw siya sa puwesto pagkatapos ng pagsasagawa ng rescue operations.


Aniya, “I should have accepted all the criticism over the past few days, but we have not done well enough.”

Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page