top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 11, 2021



Patay ang siyam na katao matapos matabunan ng gumuhong limang palapag na gusali ang isang bus sa South Korea noong Miyerkules.


Ayon sa ulat, bigla na lamang gumuho ang gusali na dine-demolish nang huminto ang bus sa may tapat nito sa Gwangju City, southwest ng Seoul.


Sa 17 sakay ng bus, siyam ang nasawi at 8 ang seriously injured, ayon sa National Fire Agency.


Nakalikas naman umano ang lahat ng demolition workers bago gumuho ang gusali.


Nagpahayag naman ng pakikiramay ang chairman ng HDC Hyundai Development Company, ang contractor na sangkot umano sa insidente, na si Chung Mong-gyu.


Aniya, "I sincerely apologize to the victims, their families, the injured, and citizens in Gwangju — I feel a heavy sense of responsibility.


"Our company will do its best so that the victims and their families can recover from the damages as soon as possible.”


Samantala, hindi pa malinaw ang dahilan ng insidente at kasalukuyan na ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad.


 
 

ni Lolet Abania | June 7, 2021



Nasa 30 indibidwal ang namatay habang marami ang sugatan matapos na madiskaril at mag-crash ang isang tren sa southern Pakistan, ayon sa pulisya ngayong Lunes.


Saad ng spokesperson ng Pakistan Railways, patungo ang tren sa Sargodha mula Karachi nang madiskaril at mawala sa track nito, habang may mga sakay na pasahero mula sa Rawalpindi at mapunta sa kabilang direksiyon.


“Several people have been killed and many others trapped inside,” ani isang opisyal.


Kinumpirma ni Umar Tufail, isang senior police officer sa Daharki, ang pagkamatay ng 30 indibidwal at marami ang nasugatan sa insidente.


Makikita sa mga footages sa mobile phone at telebisyon mula sa site ang wasak na wasak na tren habang maraming berdeng Pakistan railway carriages ang bumalagbag sa kabilang linya.


Sa ulat, karaniwan na ang nangyayaring rail accidents sa Pakistan dahil sa minana lamang ang libong kilometro (miles) na track o mga riles at tren mula sa dating makapangyarihang bansa na Britain.


Sa kabila nito, hindi napagtutuunan ng pansin ng mga awtoridad ang kanilang transportasyon dahil umano sa korupsiyon, mismanagement at kakulangan ng pondo.


Matatandaan noong October 2019, nasa 75 katao ang namatay nang isang tren ang masunog habang bumibiyahe mula Karachi patungong Rawalpindi.


Gayundin, noong 2016, dalawang tren na may sakay na daan-daang pasahero ang nagbanggaan sa Karachi na ikinamatay ng 21 katao.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 31, 2021



Patay ang dalawang motorista at 7 ang sugatan matapos magbanggaan ang isang truck at AUV sa Gumaca, Quezon ngayong Lunes nang madaling-araw.


Ayon sa Gumaca police, bumangga ang Isuzu Elf truck na patungong Maynila na minamaneho ng kinilalang si Michael Angelo Lazaro sa isang Toyota Innova na patungong Bicol na minamaneho ni Rolando Florano ngayong araw, bandang 1:30 AM sa intersection ng Barangay Bagong Buhay at Pipisik.


Dahil sa bilis ng pagmamaneho ng dalawang drivers, malakas ang pagbangga at tumilapon ang sasakyan ni Florano sa isang poste.


Idineklara namang dead on arrival sa ospital ang dalawang nasawi sa insidente na sina Romel Periabras at Howard Ojenal na parehong sakay ng Innova, ayon kay Gumaca Police Chief Major Hobart Sarmiento.


Bukod sa dalawang nasawi ay sugatan din sa insidente ang iba pang sakay ng Innova kabilang na ang driver nito na kaagad isinugod sa ospital.


Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide, multiple physical injuries and damage to property ang driver ng truck na nagtamo ng minor injuries.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page