top of page
Search

ni Gina Pleñago | May 17, 2023




Sugatan ang isang driver at isang pahinante ng tow truck matapos banggain ng hinahatak na 22-wheeler trailer truck sa Pasay City.


Batay sa imbestigasyon, 2 tow truck ang rumesponde sa nasiraang trailer truck sa Buendia flyover sa Pasay City, pasado alas-2 ng hapon kamakalawa.


Bago mag alas-11 ng gabi, sinubukan nilang hatakin ang trailer truck sa pababang bahagi ng Buendia flyover.


Gayunman, hindi kinaya ng 2 tow truck ang bigat ng trailer truck kaya dumausdos ito sa kanila.


Nagbanggaan din ang dalawang tow truck na nagdulot ng pagkakaipit ni Angel Baniqued at kanyang pahinante na si Rodrigo Delemus.


Agad nailigtas si Delemus at nadala sa ospital habang inabot ng halos 4 na oras bago natanggal sa pagkakaipit si Baniqued.


 
 

ni Lolet Abania | February 16, 2022



Labing-anim na indibidwal ang nasugatan matapos na bumagsak sa halos 100 metro ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep mula sa roadside cliff o bangin sa tabing daan sa Pagbilao, Quezon bago magmadaling-araw ngayong Miyerkules.


Kinilala ng Police Regional Office-4A ang 12 sa mga biktima na sina Ronnel Francia, 28, driver ng jeep; Benz Jomar Fuentes, 23; John Cedric Gardon, 15; Gina Lozano, 52; Sharmaine Corino, 26; Noli Francia, 18; Beah Grace Camacho, 10; Anabel Camacho, Jose Camacho, Cherry Samson, Solen Samson, Analyn Arnejo na agad isinugod sa Quezon Medical Center sa Lucena City.


Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, inararo ng pampasaherong jeep ang mga barrier na nasa tabi ng daan bago tuluyang mahulog sa Zigzag Road sa Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon.


Ayon sa director ng Quezon Police Provincial Office na si Police Col. Joel Villanueva, ang mga biktima ay nanggaling sa isang kasalan sa San Jose, Camarines Sur, at pauwi na sana sa kanilang tirahan sa Dasmariñas, Cavite nang maganap ang aksidente.


Base sa paunang impormasyon, nagkaroon ng malfunction ang brakes nito, saka inararo ng naturang sasakyan ang mga barriers at diretsong nahulog sa bangin.


Ayon sa mga awtoridad, naging pahirapan sa mga rescuers ang pagsagip sa mga biktima dahil hindi lamang sa malalim ang bangin, kundi ginawa ang rescue operation sa masukal na lugar habang madilim pa ng mga oras na iyon.


Karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng head injury at bone fracture, kung saan ayon sa pulisya wala namang nai-report na nasawi sa insidente.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 28, 2021



Patay ang skydiving instructor at estudyante nito matapos tumalon mula sa eroplano sa Australia noong Linggo.


Ayon sa ulat ng awtoridad, nasawi ang dalawa matapos mahirapang buksan ang parachute.


Malapit sa runway ng airport bumagsak ang dalawa at unresponsive na nang matagpuan. Bigo na ring i-revive ang mga biktima.


Samantala, patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang kapulisan at ang Australian Transport Safety Bureau.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page