top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 6, 2021



Umakyat na sa 28 ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong 12-storey residential building sa Surfside, Florida habang 117 pa ang nawawala, ayon sa awtoridad.


Noong Linggo nang gabi, pansamantalang itinigil ang paghahanap sa mga biktima upang ma-demolish na ang natitirang bahagi ng gusali na nakatayo pa. Ipinag-utos ng mga opisyal na tuluyan na itong i-demolish dahil hindi na ito matibay at maaaring makapagdulot umano ng panganib sa mga rescue crews.


Ayon din kay Miami-Dade County Mayor Daniella Levine Cava, nakatulong din ang tuluyang pag-demolish sa gusali dahil nu’ng nakatayo pa ang ibang bahagi nito ay limitado lamang ang kilos ng mga rescue teams.


Lahat ng natatagpuang biktima ay wala nang buhay ngunit umaasa pa rin ang awtoridad na mayroon pang natitirang survivors sa naganap na trahedya.


Saad pa ni Cava, "We are looking for voids where someone may be inside.


"We worked very hard to bring the building down to get access to the pile where we hope there are voids that allow us to continue the search and rescue operations.”


Samantala, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin alam ng mga imbestigador ang dahilan ng pagguho ng gusali at patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 3, 2021



Umakyat na sa 22 ang bilang ng mga nasawi sa pagguho ng ilang bahagi ng 12-storey residential building sa Florida at 126 katao pa ang nawawala.


Ayon kay Miami-Dade County Mayor Daniella Levine Cava, ipinag-utos na niya na tuluyan nang i-demolish ang iba pang natitirang bahagi ng naturang gusali.


Paglilinaw naman ni Cava, "Our top priority remains search and rescue. I want to be very clear about that.


"We're still evaluating all possible impacts and determining the best timeline to actually begin the demolition."


Samantala, nagsasagawa pa rin ng search and rescue operations ang awtoridad at patuloy na inaalam ang dahilan ng pagguho ng gusali.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 1, 2021



Umakyat na sa labing-anim ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong 12-storey residential building sa Florida, ayon sa mayor ng Miami-Dade County noong Miyerkules.


Ayon kay County Mayor Daniella Levine Cava, 147 katao pa ang hinahanap ng awtoridad at umaasa silang may mahahanap pa ring survivors sa insidente.


Saad ni Cava, "We've now recovered four additional victims. The number of deceased is at 16. Twelve next-of-kin notifications have been completed, that is four families still waiting to hear.”


Nangako naman si Surfside Mayor Charles Burkett sa pamilya ng mga biktima na ipagpapatuloy pa rin ang search and rescue operations.


Aniya, "We've not gotten to the bottom. We don't know what's down there.


"We're not going to guess. We're not going to make a life-or-death decision to arbitrarily stop searching for people who may be alive in that rubble."


Dalawang uri na rin umano ng dog teams ang ginamit ng mga rescuers, isang isinailalim sa training para makaamoy ng mga survivors at isang na-train para makapag-detect ng mga bangkay.


Samantala, tinutukoy pa rin ng mga imbestigador ang naging dahilan ng pagguho ng bahagi ng naturang gusali noong Huwebes nang gabi.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page