ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 23, 2021
Patay ang 21 runners na dumalo sa 100-kilometer mountain race sa China matapos salubungin ng hailstones, ice rains at malakas na hangin sa high-altitude track ang mga ito.
Ang naturang race ay ginawa sa Yellow River Stone Forest malapit sa Baiyin City, northwestern ng Gansu province bandang 1 PM noong Sabado. Pahayag ni Baiyin City Mayor Zhang Xuchen, “At around noon, the high-altitude section of the race between 20 and 31 kilometers was suddenly affected by disastrous weather. In a short period of time, hailstones and ice rain suddenly fell in the local area, and there were strong winds. The temperature sharply dropped.”
Kaagad naman umanong nagpadala ang mga marathon organizers ng rescue team matapos mapag-alaman ang insidente. Bandang alas-2 nang hapon, lumala pa umano ang weather conditions kaya ipinatigil na ang race at nagpadala ng mas marami pang rescuers, ayon kay Zhang.
Aniya pa, “This incident is a public safety incident caused by sudden changes in weather in a local area.”
Ayon sa mga rescue teams, physical discomfort ang ikinasawi ng mga biktima dahil sa naranasang biglaang pagbaba ng temperatura. Ngayong araw nakita ang katawan ng mga nasawing runners dahil nahirapan ding magsagawa ng search operations dahil sa mababang temperatura sa lugar.
Ayon sa ulat, 172 katao ang dumalo sa naturang race kung saan 151 ang kumpirmadong ligtas at ang iba pa ay isinugod sa ospital matapos magtamo ng minor injuries. Nagpahayag din ng pakikiramay si Zhang sa pamilya ng mga nasawi sa insidente.