top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Nov. 21, 2024



Photo: Vilma Santos-Recto - Instagram


Nagkausap kami ni Star for All Seasons Vilma Santos bago pa man nag-umpisa ang presscon ng Uninvited movie niya produced by Mentorque Productions at Project 8 Projects directed by Dan Villegas.


Natanong ni yours truly ang Star for All Seasons kung ano ang sikreto ng isang Vilma Santos, 'coz up to now ay mukhang bata pa rin ang kanyang looks at hindi tumatanda ang kanyang anyo from head to foot?


Sey niya, “Tumatanda rin naman. Hindi naman puwede na lahat tayo ay hindi tumatanda, Temers.


“Ang atin lang... sometimes it’s important also that we take care of ourselves and up to now I do exercise, eating moderation and when you are contented sa puso, it will come out sa face, I guess.

“And that is the most important thing and I thank God for all the blessings and for that, I am very happy kaya siguro kahit paano, nakikita sa mukha kahit tumatanda rin tayo lahat.”


Another tanong ni yours truly, “Paano mo naman name-maintain ang kinis ng kutis mo at magandang mukha at sexy body?”


“Sa sexy body, sabi ko nga, nag-e-exercise pa rin ako. Sanay na ang katawan ko du’n. ‘Pag ‘di ako nag-exercise, magkakasakit ako.


“And then 'yung mukha, nasa genes na rin siguro, Temers. Kilala mo naman kami kay Mama at Papa pa noon, magaganda talaga ‘yung mga balat. Baka namana namin. And for that, we are very thankful.”


Another question ko kay Vi, “Balitang-balita na may mga kumukuha pang mga movie producers sa ‘yo pero mas pinili mo ‘tong Uninvited movie, why?”


Sagot niya, “Yes, in a way, pero hindi ko naman kayang gawin lahat. And I thank God dahil marami naman talagang movie offers at marami akong script na nakukuha, kaya lang, hindi ko kayang gawin lahat, siyempre.


“Ngayon, limitado na rin ‘yung dapat kong gawin. Hindi naman lahat ay puwedeng magawa ko pa na I will look awkward. Kaya humahanap na lang ako ng script na medyo matsa-challenge ako. At itong Uninvited ay isa sa mga istorya na na-challenge ako talaga.


“Kaya na-excite akong gawin at nagkaroon pa ng magagandang cast. And I am so, so, so happy at excited sa movie na ito and first time with Direk Dan Villegas with Mentorque and Project 8.


“Bagong mga challenge sa ‘kin ito. Bago, eh, bago lahat. Kaya nakaka-challenge at nakaka-excite itong Uninvited,” pagtatapos na pahayag ng Star for All Seasons Vilma Santos-Recto.


'Niwey, ang pelikula nilang Uninvited ay kasali sa MMFF 2024 at co-stars dito ni Vi sina Aga Muhlach, Nadine Lustre, Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Elijah Canlas, RK Bagatsing, Ketchup Eusebio, Cholo Barretto, Gio Alvarez at Ron Angeles.


Okay, thank you very big, Vi, for taking your time answering my questions. Boom, ganernnn!


 

INILUNSAD ng dating Idol Philippines Season 2 contestant na si Ann Raniel ang kanyang unang Christmas single na Paano Ngayong Pasko sa ilalim ng StarPop.


Unang inawit ni Ruiz Gomez ang awitin na hatid ang kuwento ng sakripisyo ng mga taong malayo sa kanilang pamilya sa panahon ng Kapaskuhan. Isinulat ito ni Perry


Lansigan at ipinrodyus ni StarPop label head Roque “Rox” Santos.

Nakilala si Annrain nang sumali siya sa Idol PH Season 2, kung saan napabilang siya sa Top 5 finalists. Pinahanga niya ang mga hurado at manonood sa performance niya ng Orange Colored Sky, Till My Heartaches End, at The Power.


Nitong nakaraang taon, inilunsad ni Annrain ang kanyang debut single na Bakit Ka Bumitaw na umarangkada sa Spotify Philippines Fresh Finds playlist. Naging bahagi rin siya ng Philpop Himig Handog kasama sina Geca Morales at Lyka Estrella para sa awitin na Langit Lupa.

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Nov. 21, 2024





Hopia pa rin ang mga faneys para sa #KimErald reunion sa big screen.


Mga Ka-BULGARians, buhay na buhay pa rin ang chika at paandar tungkol sa posibleng pagbabalik-tambalan ng OG love team na sina Gerald Anderson at Kim Chiu. Ang kanilang chemistry noong late 2000s ay hindi pa rin matibag — parang legit forever ang hatak sa puso ng kanilang mga solid fans.


Nag-umpisa ang kanilang kaeklayan sa Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition, at doon nagsimula ang iconic duo na nagbigay sa atin ng kilig overload sa mga proyektong tulad ng My Girl (MG) at I’ve Fallen For You (IFFY). Sino ba'ng hindi na-fall sa kanilang effortless connection at pa-sweet na aura? Ang tambalan nila ang literal na ‘walang tapon’ noong panahon nila.


Pero sa pag-usad ng panahon, nag-focus na ang dalawa sa kani-kanilang mga ganap. Si Gerald, umawra sa mga intense drama at action-packed projects, habang si Kim naman ay parang multi-tasking queen — balancing acting, hosting, at iba pang ganaps. Kahit successful sila individually, aminin na natin — iba pa rin kapag #KimErald!


Ang mga fandom na tunay na ‘loyalista’ ay hindi nagpapapigil sa kanilang mga paandar online. Trending palagi ang mga hashtags na #KimErald, #KimEraldUnited at #KimEraldForever. As in, kung may award ang pinaka-consistent na fandom, sila na ‘to, mga Nini! Hindi sila nagpapahuli sa pangangampanya para maibalik ang tambalan nina Gerald at Kim sa big screen.


Well, wala pang official na balita or kumpirmasyon (sad reacts muna, Ateng), pero sa mga past interviews ng dalawa, nagbitiw sila ng mga pa-hopia na open naman sila sa posibilidad ng reunion. Kaya naman, todo-fan girl ang mga faneys dahil sino ba'ng hindi gustong makita ulit ang ‘magic’ na minsang nagdala ng ultimate kilig vibes sa buhay nating lahat?


Kung magaganap ito, siguradong magiging isa itong epic comeback na walang-wala sa Netflix! Ang pagbabalik-tambalan ng #KimErald ay perfect time capsule sa panahon ng ultimate love teams na pinalakpakan at tinilian ng buong bayan.


Kaya mga ka-BULGARians, kapit lang! Malay mo, isang araw magising tayo na may big announcement na tungkol sa isang bagong pelikula nila. 


For now, let’s manifest at patuloy na mag-spark ng kilig para sa once-in-a-lifetime duo na hindi kailanman mawawala sa puso ng Pinoy entertainment.


Stay tuned for more kaganapan, mga Nini! ‘Yun na! Ambooolancia! #Talbog


ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Nov. 21, 2024



Photo: Maymay Entrata - Instagram


Be Our Guest,” ito ang imbitasyon at titulo ng show ng RMA Studio Academy sa kanilang annual concert ng celebrity vocal coach/producer/CEO na si Jade Riccio sa December 1 sa Podium Hall.


Matunog ang pangalan ni Ms. Riccio dahil siya lang naman ang naging voice coach ni Maymay Entrata sa awitin nitong Amakabogera na nakatanggap ng Novelty Song of the Year at Viral Tiktok Video of the Year.


Kuwento ni Jade ay inabot sila ng pitong oras ni Maymay para sa recording ng Amakabogera sa ABS-CBN na tanda niya ay muntik nang sumuko ang singer-actress dahil hindi niya ma-perfect ang recording ng awitin.


Pero kuwento ni Jade, nu’ng una ay hindi raw confident si Maymay na nakakakanta siya at talented siya, pero pinursige ito ng una at sinabihan ang PBB Lucky 7 Grand Winner na "Hardwork is always a talent," at ito ang natanim sa utak ng aktres.


Inabot daw ng tatlong linggo bago natapos ang recording ng Amakabogera, “And the rest is history and now she’s one of my investors here in RMA Studio Academy.”


Pawang kilala ang mga estudyante ni Jade tulad ni Atasha Muhlach na kamakailan ay guest ni Arthur Nery sa concert nito sa Araneta Coliseum, kung saan nag-duet sila ng Ako’y Sa 'Yo Ika’y Akin (ASIA) at nag-viral ang video ng dalawa na umabot sa milyong views.


Ang unang celebrity student daw ni Jade ay ang anak ni Ina Raymundo na si Erika Raymundo na nagsimula noong pandemic season kaya home service siya.


Tsinek namin ang video na kumakanta si Erika, biritera ang datingan at maganda ang version niya ng American Boy na originally sung by Estelle.


At that time raw ay brokenhearted si Erika (ex-GF ni Kobe Paras) at sinabi ni Jade na gumawa sila ng kanta at nakabuo naman sila na ang titulo ay Stand Up at kinanta nila

ito sa ASAP.


“That was the first time Maymay saw me and when Erika said that I am her (voice) coach, nakita ko, sabi niya, 'Ha, coach? Mag-uusap tayo mamaya. Madam, magte-text ako, Ma’am, bigay mo sa ‘kin (ang number mo).'


“Du’n nag-start ‘yung Amakabogera and people saw the improvement of Maymay, then sumikat ‘yung kanta. Pero pareho kaming pressured nu’ng una kasi Maymay ‘yan, eh. What if I make destroy her voice or I make her sound not like her, yari ako. Baka sabihin nila, 'Ano ba namang klaseng voice coach ‘yan?'” kuwento ni Jade.


Bukod kina Erika at Maymay ay marami pang sumunod na celebrities na nagpaturo sa kanya at ang pinaka-bunso niyang estudyante ay ang nag-iisang anak na babae ni Quezon City Vice-Mayor Gian Sotto na si Amari.


Samantala, first love ni Jade ang singing dahil ito naman talaga ang tinapos niya, classical music sa loob ng walong taon, pero pangarap din niyang umarte sa harap ng kamera.


Matagal na niya itong nabanggit sa manager niyang si Girlie ‘GR’ Rodis na manager din nina Rachel Alejandro, Cris Villonco, Celeste Legaspi at iba pang mang-aawit.


At ang pangarap niyang makapareha ay ang nag-iisang Piolo Pascual. Tinanong namin kung type niyang mag-voice coach sa actor, “Of course, tanungin ninyo s’ya kung gusto n’ya.” 


Pero nagagandahan na si Jade sa boses ni Piolo, kontrolado raw.


Anyway, sa titulong Be Our Guest, titipunin ng konsiyerto na ito ang mga mag-aaral, pamilya, celebrities, at iba pang A-listers na bisita ng RMA Studio Academy na masasaksihan ang sari-saring galing sa musika at pagtatanghal ng mga estudyante ng RMA sa isang grand concert event.


Bukod kina Maymay at Erika ay kasama rin sa show sina Atasha, Zia Dantes, Scarlet Belo, Max Collins, Olivia Manzano, Rhian Ramos, John Arcenas, Pepe Herrera, Shanaia Gomez, Caitlyn Stave, Ondrea Sotto, Amari Sotto, Denise Laurel, Vivoree, Brigiding Aricheta, Michelle Garcia, Maria Chantal, Sabine Cerrado, Solenn Heussaff, at Ina Raymundo.


RECOMMENDED
bottom of page