ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Nov. 21, 2024
Photo: Andrea Brillantes - IG
May sagot na si Andrea Brillantes kung bakit na-late ang paggawa niya ng kanyang entry sa TikTok trend na Piliin Mo ang Pilipinas na nauso ilang buwan na ang nakararaan.
Matatandaang nag-post ang aktres ng kanyang sariling version nito few days ago na talaga namang nag-viral at nag-trending pa rin kahit late na.
In fairness, ang daming pumuri sa video ni Blythe (Andrea) at napakaganda naman talaga kung saan ay 35 looks lahat ang kanyang ginawa including Darna, Maria Clara, Miss Universe, OFW, farmer, driver, magtataho, Katipuneros, security guard, etcetera.
Pero marami rin naman ang nagreklamo na super-late na ang entry ng aktres dahil ang uso na nga raw ngayon ay ang APT Dance Challenge.
Sa kanyang latest Instagram (IG) post ay nagpasalamat si Blythe sa natatanggap niyang overwhelming support ng mga tao sa kanyang video and at the same time ay nagpaliwanag din siya kung bakit late na niya ito nagawa.
“35 looks, 18 hours. Thank you so much for all the love my video has been receiving. You don’t know how much this means to me.
“To my amazing team, thank you so, so much for helping bring my vision to life!” simula ng aktres.
Ayon kay Andrea, noong May pa raw niya naiisip itong gawin pero naging busy siya that time.
“This idea had been on my mind since the end of May, but at that time, my schedule was too hectic, and the trend was already fading. Medyo alanganin na kung itutuloy ko pa.
“I could have pushed through, but I would’ve had to simplify my vision for this challenge. I didn’t want to compromise because I wanted to give my best effort to represent every Filipino and truly capture what it means to be one,” paliwanag ng aktres.
“I dedicate this sa ating mga Bayani who fought for our freedom, to our families who serve as the heart of our culture, to our modern-day heroes, our indigenous communities, our global icons and national pride, and every hardworking Filipino out there,” patuloy niya.
Ipinaliwanag din ni Andrea na hindi naman niya ito ginawa for the uso or trend kundi nais niyang ipakita ang pagmamahal niya sa mga kapwa-Pilipino at kung gaano rin siya ka-proud sa kanyang lahi.
“In the end, I decided to go for it before the year ended because this wasn’t just about following a “trend.” I did it to show my love for Filipinos and how proud I am to be Pinoy! (Philippine flag and heart with fire emoji),” pagtatapos ng aktres.
Mas pinalapit sa puso ng masa ang pagbabalik ng iconic ‘Barangay Hall on Air’ ng TV5 sa pagbabalik nito bilang Face to Face: Harapan.
Nakasama ni Korina Sanchez-Roxas, a.k.a Ate Koring, ang mga residente ng E. Rodriguez, Quezon City sa ginanap na public viewing ng pilot episode ng programa noong Lunes, November 11, sa barangay court.
Kasama ni Ate Koring si Donita Nose at ang bagong ‘Harapang Tagapayo’ na sina Atty. Lorna Kapunan, Dr. Camille Garcia, at Bro. Jun Banaag (kilala rin bilang Dr. Love) para sa isang masayang panonood kasama ang mga ka-barangay.
Layunin ng Face to Face: Harapan na bigyang-boses ang mga totoong isyu ng mga ordinaryong Pilipino at tulungang maresolba ang mga ito.
Tampok sa unang episode ang mainit na sagupaan ng magkakapitbahay na nag-akusahan ng pangkukulam!
Sa kanyang prangka at pantay na pag-aanalisa, ipinakita ni Ate Koring ang kanyang husay sa pag-intindi sa mga usaping mahalaga sa masa.
Aliw na aliw naman ang mga manonood sa mga patawang hirit ni Donita Nose bilang kakampi sa mga nagdedebateng panig, habang si Ate Koring naman ang nagbibigay ng mas malalim na pananaw sa bawat alitan.
Talaga namang nakatutulong ito sa mga manonood na tingnan ang bawat isyu mula sa mas bukas na perspektibo.
Sa Face to Face: Harapan, ipinakita ni Ate Koring ang kanyang tunay na malasakit sa masa, na nagdadala ng mga kuwentong may lalim at damdamin. Ipinahayag niya ang kanyang tuwa sa bagong format ng programa at sinagot ang mga tanong ukol sa kanyang branding.
“My brand is masa, ang brand ko talaga ay malapit sa ordinaryong tao—kuwentong buhay talaga ang aking forte. Eto at live ko na silang maririnig.
“Ito naman talaga ang Korina na kilala ng lahat, ‘yung malapit sa ordinaryong tao,” pahayag niya.
Panoorin si Ate Koring sa Face to Face: Harapan sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, alas-4 ng hapon, bago ang Wil To Win (WTW), at sa same-day catch-up tuwing alas-9 ng gabi sa One PH.