ni Chit Luna @Brand Zone | October 4, 2023
Inilunsad ng PMFTC Inc., ang lokal na affiliate ng Philip Morris International (PMI), ang IQOS ILUMA—ang pinaka-makabagong teknolohiya ng heated tobacco para bigyan ang mga naninigarilyo sa Pilipinas ng mas mainam na alternatibo sa paninigarilyo.
Ayon sa PMI, ginagamit ng IQOS ILUMA ang bagong Smartcore Induction System para magpainit ng tabako mula sa loob ng TEREA Smartcore sticks. Pinapakawalan ng IQOS ILUMA ang lasa ng totoong tabako nang walang usok, abo at mas kaunting amoy kaysa sa sigarilyo.
Ang bladeless system nito ay hindi nangangailangan ng paglilinis pagkatapos gamitin, at ito ay lumilikha ng mas mainam na karanasan kumpara sa mga nakaraang IQOS devices. Mayroon din ang IQOS ILUMA ng auto-start function na nakikita kapag ang TEREA stick ay ipinasok at awtomatikong nagbubukas ang device.
Ang bagong IQOS ILUMA ay ang pinakabagong henerasyon ng mga IQOS devices at isang bagong karagdagan sa ng mga produktong smoke-free ng PMI, ayon kay PMFTC President Denis Gorkun.
Ito ay bahagi ng pangako ng PMI na patuloy na magsagawa ng siyentipikong pananaliksik para makahanap ng mas mahusay na alternatibo para sa mga nasa hustong gulang na naninigarilyo o gumagamit ng iba pang produktong naglalaman ng nikotina.
“IQOS ILUMA, our most innovative device yet, gives adult smokers a better choice and represents an important leap forward in our efforts to accelerate the end of smoking,” sabi ni Gorkun.
Sinabi naman ni Zulal Roessli, ang pinuno ng smoke-free products division ng PMFTC, na base sa market research ng PMI, ang IQOS ILUMA ay nagbibigay ng mas kasiya-siyang karanasan kumpara sa mga nakaraang henerasyon ng IQOS. Ang pag-aaral ay isinagawa sa Italy at Japan na may kabuuang 714 IQOS users mula Nobyembre 2020 hanggang Marso 2021.
Ayon kay Roessli, nais tiyakin ng PMI na sa pamamagitan ng makabagong tecknolohiya, mas maraming naninigarilyo ang lilipat at aalis sa sigarilyo and hindi na din sila bababalik sa paninigarilyo.
Mabibili ang IQOS ILUMA sa tindahan ng IQOS sa Bonifacio High Street sa BGC, Taguig City simula Oktubre 3, 2023. Mabibili din ito sa iba pang IQOS outlets sa Metro Manila, gayundin sa www.IQOS.com mula Oktubre 11, 2023.
Ang PMFTC ay ang kumbinasyon ng negosyo sa pagitan ng PMI at ng Lucio Tan Group. Inilunsad ng kumpanya ang IQOS sa Pilipinas noong Hunyo 2020 at sa ngayon mahigit 75,000 na mga naninigarilyo sa Pilipinas ang lumipat na mula sa sigarilyo dahil dito. Bahagi ito ng layunin ng PMI para sa smoke-free Philippines.
Noong Nobyembre 2022, ipinakilala ng PMFTC ang mas abot-kayang device nito na tinatawag na BONDS by IQOS.
Ang IQOS at BONDS by IQOS ay gumagamit ng espesyal na idinisenyong tobacco stick na tinatawag na HEETS at BLENDS. Ang parehong mga produkto ay hindi nagsusunog ng tabako. Naglalabas sila ng smoke-free aerosol sa halip na usok.
Ang mga devices na ito ay gumagamit ng sapat na init para makapaglabas ng aerosol na naglalaman ng nikotina at hindi sumusunog sa tabako. Dahil ang tabako ay pinainit at hindi sinusunog, walang usok na lumalabas, at dahil dito, mayroong mas malaking bawas sa antas ng mapaminsala at potensyal na mapanganib na mga kemikal.
Natuklasan ng isang pag-aaral na ang heated tobacco ay nagpabilis sa pagbaba ng benta ng sigarilyo sa Japan. Ipinapakita ng datos na pagkatapos ng pagpapakilala ng heated tobacco sa Japan noong huling bahagi ng 2014, ang benta ng sigarilyo ay bumagsak ng 9.5 porsiyento kada taon mula 2015 hanggang 2018.
Nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga bansa tulad ng Pilipinas na tulungan ang milyun-milyong naninigarilyo at bigyan sila ng mabisang alternatibo.
Ilulunsad din ng PMFTC ang ZYN—isang produktong naghahatid ng oral na nikotina at walang usok. Ang ZYN ay ang pinakamabentang nicotine pouch sa United States mula sa Swedish Match na ngayon ay bahagi na din ng PMI.
Sinabi ni Gorkun na ang PMI ay nagsusumikap na maghatid ng smoke-free future sa Pilipinas.