ni Nitz Miralles @Bida | September 13, 2024
May Facebook (FB) post si Ai Ai delas Alas para sa mga kumukuwestiyon sa kanya sa pagiging isa sa judges ng The Clash (TC).
Sey niya sa post, “The Total Package of the Artist is very Important in this business. The musicality, artistry, styling, and marketability. Only one will reach the peak!
“I have filled the Folk Arts Theater thrice, the Ultra, Skydome & Arena many times. The Araneta 4 times and countless shows & concerts here and abroad. Four times Box Office Queen.
“Most of all, an Excellent Artist needs God’s grace & blessings to become a STAR!
“Modesty aside, this post is for those who question my credibility & license as a Clash panel. Love you all, Kapuso!”
Nag-agree ang mga nakabasa sa post ni Ai Ai at baka ang mga kumukuwestiyon sa kredibilidad nito ay hindi alam ang kanyang mga achievements. Mga bata pa sila nang sumikat ang nag-iisang “Comedy Concert Queen” ng bansa.
Bumalik si Ai Ai sa bansa para sa TC. Isa sa mga inaabangan sa kanya ay ang mga gowns at headdress na kanyang isinusuot at ang mga nakakatuwa at nakakatawa niyang comments.
Anyway, naging controversial pa si Ai Ai nang magpahayag ng suporta sa live selling ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo.
Sabi ni Ai Ai de Alas, kapag nag-live selling uli si Angelica Yulo, bibili siya. Nagalit sa kanya ang mga kampi kay Caloy, lalo na’t may hashtag siyang #teambahay.
Parehong pinagtawanan nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia ang nangyari sa Kalokalike Face 4 segment sa It’s Showtime (IS) kung saan guest judge si Bianca Umali.
Tinanong kasi ng ka-lookalike ni Ruru kung sino ang pinagselosan ni Bianca at si “Gabbi” ang sagot ng contestant.
Napaigtad at natawa si Bianca at kahit binawi ng contestant na si Gabby Concepcion ang tinutukoy niya, alam ng mga viewers na si Gabbi Garcia ang tinumbok niya.
Mag-ex ang dalawa at matagal na silang naka-move on at masaya na sa kani-kanilang love life, kaya natawa na lang na nabuhay ang isyu sa kanila dahil sa contestant.
Sa interview sa 24-Oras tungkol sa isyu, napa-“Nakakaloka lang si Kalookalike!” si Gabbi saka natawa.
“Pero, well, kidding aside, I’m happy for both Bianca and Ruru naman talaga, and it’s nice to see them happy together,” dagdag ni Gabbi.
Sabi naman ni Ruru na nainterbyu rin dahil present silang pareho ni Gabbi sa isang Belo event, masaya rin daw siya para kay Gabbi.
Sey ni Ruru, “I am very happy din for her na she’s doing her own thing, na ‘yun talagang pinapangarap n’ya before, ngayon, ginagawa n’ya.”
Patuloy pa ni Ruru, “And I think, kitang-kita ko naman din ‘yung happiness n’ya with Khalil, matagal na rin sila. We’re very happy para sa kanilang dalawa.”
Dahil nga past is past na para sa kanila, komportable na ang mga itong muling makatrabaho ang isa’t isa dahil kasama sila sa cast ng Sang’gre na tampok din si Bianca Umali.
“Naglolokohan nga kami na, grabe, after eight years, isipin mo, naging Alena at Ybrahim/Ybarra uli s’ya at ako. So, nakaka-throwback lang, nakakatuwa,” ani Gabbi.
Sinang-ayunan naman ni Ruru ang sinabing ‘yun ni Gabbi, nagkakakuwentuhan daw sila sa taping at masaya siya to be working with Gabbi again.
Ang mas maganda pa rito, kung magkakaroon ng eksena sa Sang’gre na magkakasama sina Ruru Madrid, Gabbi Garcia at Bianca Umali.
KABILANG si Carla Abellana sa mga nag-react sa inireklamo ng isang netizen na may diskriminasyon sa fur baby niyang aspin o asong Pinoy. Ipinost ni Carla ang picture nila ng pet niyang si Fly na isang aspin.
“I am Carla Abellana and I am a PROUD Aspin lover, advocate, adopter, fosterer, and furmom.
“This is my very own silly girl, Fly. @pawsphilippines rescued her and her brother, Wing, a few years ago and I immediately adopted the two of them. Sadly, Wing passed away just a few months after.
“Fly may look like she has a particular breed (she can be mistaken for a Shih Tzu, actually), but she and I are proud to say she is an Aspin, or an Aspin-mix. Regardless, dog breeds do not matter to us. Because for us, all dogs are one and the same.
“By the way, Fly is looking forward to joining President @pandaongpaucoescudero’s Aspin Society Elite!
“P.S. Dear establishments, please do not advertise as ‘pet friendly’ if in fact you are breed-particular. Thank you.”