SARAH, ‘DI SINAGOT ANG GREETINGS NI MATTEO SA SOCMED PARA SA FIRST WEDDING ANNIV NILA
Julie Bonifacio - @Winner | February 22, 2021
Hindi binigo ni Matteo Guidicelli ang mga fans nila ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na humiling na batiin niya ang kanyang misis on their first wedding anniversary sa social media yesterday (Sunday).
Isang sweet and very romantic na mensahe para kay Sarah ang ipinost niya sa kanyang Instagram account a day after ng kanilang wedding anniversary noong Sabado, February 20.
Ipinost ni Matteo ang "family picture" nila ni Sarah kasama ang tatlo nilang alagang aso.
"Love, HAPPY 1st year anniversary!! Look at our family! Thank you for bringing joy in our home, you are the reason why I smile when we wake up. You continue to inspire me everyday and I just love celebrating life with you. So proud of you my love! I love you forever. #proudhusband #blessed @justsarahgph," caption ni Matteo sa kanyang IG post.
Kinilig siyempre pa ang mga netizens sa mensaheng pagbati ni Matteo sa kanyang misis.
"WAAAHHHH! HAPPY FIRST ANNIVERSARY ASHMATT!! WE LOVE YOUUU!!"
"Waaaaaah!! Happy Anniversary love birds mahaal na mahaaal ko kayo!"
Binati rin ang mag-asawa ng ilan sa kanilang celebrity friends na nag-post ng comment sa IG post ni Matteo, gaya nina Erik Santos, Kyle Echarri, Kim Molina at Daryl Ong.
Wala namang makikita na comment-post si Sarah sa pagbati sa kanya ni Matteo sa IG, pero hindi naman siguro dinedma 'yun ng singer.
Pero kung nag-post sana si Sarah ng comment sa IG post ni Matteo, malamang ay mas dobleng kilig 'yun para sa fans.
Kunsabagay, sadyang 'di mahilig mag-open ng kanyang damdamin si Sarah sa public especially sa kanyang personal life. Hindi kasi siya showy na tao.
At saka, feeling namin, ‘di naman talaga masyadong ma-social media si Sarah, but somebody is doing it for her.