ni Nitz Miralles @Bida | Sep. 25, 2024
Ipinost ni Heart Evangelista ang dalang shoes sa Paris Fashion Week (PFW) at sa rami ng dalang sapatos, parang display na sa department store.
Sey nito, “Think we over packed #pfw #parisfashionweek.”
Para lang yata sa PFW ang ipinost ni Heart dahil ito ang naka-caption sa kanyang hashtag. Ibig sabihin, iba pa ang shoes na dala at ginamit niya sa Milan Fashion Week (MFW). Sa shoes pa lang, ilang luggages na kaya ang dala ni Heart?
Hindi namin nabilang ang dami ng shoes na arranged according to colors at siguradong lahat branded. Sabagay, kung tama ang aming nabasa, 19 shows ang dadaluhan ni Heart sa PFW, mukhang magagamit niya ang karamihan sa dala niyang shoes.
May nagbirong nagtanong kay Heart kung si Imelda Marcos daw ba siya sa dami nga ng shoes at mukhang mas marami ang kanya kesa sa former First Lady.
Nakita naman ng kanyang mga followers sa Instagram (IG) ang collection niya ng shoes sa kanyang walk-in closet.
Sa latest post ni Heart, hindi pa siya nagsisimulang rumampa sa naka-schedule na 19 shows. Nag-shoot na muna siya ng ad campaign for Lancaster na isang high-end brand ng bag.
Excited na ang mga fans ni Heart Evangelista na makita ang OOTD (outfit of the day) niya at marami silang bibilangin dahil 19 shows nga ang naka-schedule na kanyang dadaluhan.
Sinorpresa si Sandro Muhlach ng kanyang mom na si Edith Millare na dumating para siya’y bisitahin.
Based na sa Amerika ang mom ni Sandro at naalala naming may post ito noong kainitan ng isyu sa anak na nagso-sorry na wala siya sa tabi nito.
Ang tagal nag-sink in kay Sandro na mom niya ang kanyang kaharap, lalo na’t tinakpan nito ang kanyang mga mata habang nasa restaurant at may kausap.
Paulit-ulit na “Sino ‘to?” ang tanong ng young actor at nang makitang ang mom niya ang nasa harap, “Hala” na lang ang nasabi.
Naging emosyonal ang mag-ina at birthday pala ni Edith nang magkita sila ng anak, kaya lalong mas naging espesyal ang araw na ‘yun.
Ramdam ang tuwa ni Sandro sa kanyang post.
Mensahe ni Sandro sa kanyang ina, “Mama you are the strongest woman I know, and I am so lucky to have you as my mom. Your love and kindness mean more to me than you know.
“Thank you for being there for me during one of the hardest times in my life. Your love, care, and presence meant more to me than I can ever fully express. When I felt overwhelmed by my trauma, you were a constant source of strength and comfort. I’m still finding my way, but I feel stronger knowing that I have you by my side. I hope you know how much I appreciate everything you’ve done not just during this time, but always. Thank you for surprising me even if it’s your birthday. You’re the best mom I could ever ask for.
“I love you more than words can express. Happy Birthday Mama!”
Ang gaganda ng comments sa post na ito ni Sandro, may mga naiyak pa nga dahil iba raw kapag katabi, kayakap at personal na nakakausap ang nanay, lalo na’t may pinagdaraanan siya. May nag-comment pa na ang presence lang daw pala ng mom niya ang makakapagpabalik sa mga ngiti ni Sandro Muhlach.
KUMPIRMADO ang pag-attend ni Dingdong Dantes sa gaganaping “Kickoff and Appreciation Night” ng Multi-Media Press Society of the Philippines, Inc. (MMPRESS) sa September 27, 2024 at 7 PM. Gaganapin ang event sa Dengcar Theater ng Mowelfund Film Institute (MFI).
Si Dingdong ay isa sa mga honourees sa “Trailblazing Leaders” category at sila ay mga personalidad “whose dedication and excellent leadership make them strong pillars of the showbiz industry.”
Ang dami pang honourees na bibigyang-pugay sa gabing ‘yun at nagpapasalamat ang MMPRESS sa kanila.
Main project ng MMPRESS is to pay tribute to some of the ‘biz (showbiz) well-known and respected personalities and influencers whose contributions to the entertainment industry over the years are simply worth-citing.
Anyway, kagagaling lang nina Dingdong at Marian Rivera sa Milan, Italy dahil sa imbitasyon ng Kiko Milano kay Marian sa Milan Fashion Week (MFW). Nag-shoot din ng TVC si Marian for Kiko Milano na isang Italian cosmetics line at siya ang endorser ng Pilipinas.
Si Dingdong naman, nabalitang magge-guest sa Widows’ War (WW) bilang si Napoy, ang karakter niya sa Royal Blood (RB) na konektado sa WW ang story.
Kahit busy at may jet lag pa siguro, dumalo pa rin si Dingdong sa flag-raising ceremony sa Rizal Park, Luneta in celebration of National Maritime and Reservist Month. Baka may magtanong na naman kung ano ang karapatan ni Dingdong Dantes to be at the said national event. Ang sagot nito ay dahil reservist siya at masipag na reservist.
Sey nito, “A snappy salute to all our seafarers, reservists, and those who selflessly serve our country. Today, and throughout this month, we honor their unwavering dedication and sacrifice.”