ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 5, 2021
Tanggap na talaga ni Marjorie Barretto si Gerald Anderson para sa anak na si Julia.
Aba, after makasama ng family nila ang aktor sa pagsu-swimming before Holy Week, heto at in-invite naman ni Marjorie si Gerald na mag-bonding sila for lunch.
Ipinost ng momshie ni Julia ang larawan nila habang kumakain, kaya pinutakti na naman ng komento ng mga netizens ang couple.
Ibinahagi ni Marjorie sa kanyang IG Story ang video clip kung saan kumakain ng pasta ang love birds at sa background ay naririnig ang tawa ni Gerald saka nag-sorry. Masaya kasing nagkukuwentuhan ang mga ito habang kumakain.
Sey naman ng ibang netizens, naungusan na sila nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na engaged na, kaya dapat ay sa kasalan na rin mauwi sina Gerald at Julia.
Komento pa ng mga netizens…
“True love. Kasalan na! Hahaha! Naungusan daw ng love team na Derek-Ellen. ‘Di pakakabog si Madir Marjorie. Unless engaged na kayo, eh, mahirap talbugan ‘yung bagong engaged na wala pang 2 buwan mag-on, hehe.”
“Aabangan ko ang ENGAGEMENT RING or WEDDING RING.......”
Komento ng mga netizens sa video na ipinost ni Marjorie: “Minsan lang siguro sila nagkakasama ‘no? ‘Pag may post sila, ‘yun ang time na nagkakasama lang sila.”
“Umay to the highest level! This couple is milking everything. Pati ba naman ‘yan, ipo-post pa?”
“Hahahahaha, you just can’t deny na promo family talaga ang Barretto clan.”
“Todohan ang post para lang masabing palaging magkasama. And it’s always the girls side na todo-post. May mga gustong patunayan, hahaha!”
Pansin naman ng isang netizen, “Tumanda nga ang hitsura ni Gerald.”
Sagot naman ng isa, “Ganyan talaga. ‘Pag bagu-bago pa, parang sabaw, masarap ‘pag mainit pero ‘pag lumamig na, eewww na.”
Samantala, may nagsabi namang kahit si Julia na ang GF ngayon ni Gerald, si Kim Chiu pa rin daw ang type ng nanay ng aktor.
“Until now, his mother is still hoping, wishing and praying for Gerald and Kim to end up together, pati na rin ‘yung ibang members sa family. Of course they have to be civil and polite to the new girl.”
“‘Wag n’yo nang isama sa wish list n’yo si Kim. Masaya at kuntento na s’ya sa piling ni Xian... Lahat ng ex-GFs ni Ge na sina Kim, Maja, Sarah, at Bea ay sinuwerte sa love life nila ngayon at sa pamumuhay nila nang makawala sa idol Budoy n’yo. #fact #truthhurts #noregrets #noturningback.”
Awww!