ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 9, 2024
Narito ang buong mensahe ni Peachy (tawag kay Rufa Mae):
“Mother Lily, Regal films and her family, I love them so much. Thanks for all the nice movie projects you gave me, I’m so happy to be a Regal baby. My deepest sympathy and condolences to the Monteverde family.
“Mahal ko kayo. Mother Lily and husband, rest in peace.
“I miss you, I will always remember the trust, opportunity, love and laughter you gave me in Regal films, I love you #motherlily and @roselle_monteverde (when I saw you in the hotel lobby of GMA Gala night last month, I am so happy and know there’s always a reason why things happened, happenings the beginning of a new life!
“Mother, No, no, no! I wanna say don’t leave us but gotta go go go! Go go gone!”
Sa comment section ay tawang-tawa ang mga netizens at sey nila, very Rufa Mae ang mensahe.
Si Ruffa Gutierrez naman ay nag-react ng smiling face with heart eyes emojis. May nagsabi ring pati raw si Mother Lily ay matatawa sa mensahe ng sexy comedienne.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“Reading this with your voice on my mind.”
“Paiyak na 'ko, eh, Diyos ko ‘yung dulo ng speech (laugh emoji).”
“Peachy, tawang-tawa ako! Hahahahahaha.”
“I imagine her saying this the no no no and the go go go go! (laugh and cry emoji).”
“Ate naman (crying emoji).”
“Mother Lily is very happy reading your farewell message to her, Peachy.”
“Hahaha, loka ka talaga (laugh emoji).”
Sa mga hindi aware, si Rufa Mae Quinto ang nagpasikat ng linyang “Go, go, go!” na hanggang ngayon ay ginagaya ng kanyang mga impersonators. Isa pa sa kanyang trademark bilang komedyana ay ang mali-mali niyang English na talaga namang bentang-benta sa mga fans.
Not just one, 2 na ang hawak… COCO, UMAMING NAI-STRESS SA PAGDIDIREK NG SERYE NI PIOLO
Magaganap na ang pangmalakasang collab dahil magdidirek si Coco Martin ng ilang action scenes para sa isa pang hit ABS-CBN series na Pamilya Sagrado (PS).
Ibinahagi ni Coco na isinama niya ang buong team niya sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) at game na game silang makatrabaho ang PS, lalo na’t naghahanda sila para sa isang pasabog na action scene.
“Nandito kami para sumuporta at tumulong. Isang malaking karangalan na maidirek sina Kuya PJ [Piolo] at ang lahat ng mga veteran actors,” sabi ni Coco sa interbyu sa TV Patrol, kung saan ipinasilip din ang isang eksena kasama sina Piolo Pascual, John Arcilla, at Shaina Magdayao.
Inamin naman ni Coco na malaking pagsubok ang haharapin niya kahit sanay na siyang sumabak sa action scenes para sa mga programa niya tulad lamang ng FPJ’s Ang Probinsyano at BQ.
“Honestly, nai-stress ako ngayon, pero kinakaya naman kasi na-excite kami dahil ang ganda ng story. Ibinibigay namin ‘yung pinaka-best namin,” sabi niya.
Excited din si Coco dahil ito ang unang beses niyang magiging direktor para sa isang action TV series, kung saan hindi siya parte bilang artista.
“Kadalasan lahat ng show ko, dahil ako ang artista, ako rin ang nagdidirek. Ngayon naman, ang sarap lang sa pakiramdam na naka-focus ako sa pagdidirek,” dagdag niya.
Sa pagsasanib-puwersa ng BQ team at PS, mas pinalakas na serye ang dapat abangan ng mga manonood sa sunud-sunod nitong mga pasabog.
Kamakailan nga ay nagtala ng panibagong online records ang dalawang programa sa Kapamilya Online Live nu’ng Agosto 7 kung saan pumalo sa 659,229 peak concurrent views ang FPJ’s Batang Quiapo habang nakakuha ng 642,170 peak concurrent views ang Pamilya Sagrado.