ni Nitz Miralles @Bida | Dec. 28, 2024
Ipinasilip ni Ruffa Gutierrez ang Christmas party celebration ng kanilang pamilya at kumpleto ito, from her parents, to her daughters, siblings at mga pamangkin.
Lahat ay naka-smile sa mga nai-post na photos at sa isang picture, makikita si Herbert Bautista na nakisaya rin sa party ng mga Gutierrez. Kaya lang, hindi sumunod si Herbert sa dress code dahil sa halip na red, black polo ang suot.
May rason nga ang caption ni Ruffa na, “Grateful for these special moments with loved ones. Merry Christmas and Happy Holidays from my family to yours.”
May mga comments na kinilig kina Ruffa at Herbert.
“Iba ang saya ng face ni Ruffa. Maaliwalas, halatang in love.”
“Hard launch.”
“OMG! Herbert Bautista with the beautiful Ruffa. So cute.”
“Ayieee! Herbert and Ruffa, nakakakilig. Stay happy.”
Bago pa tuluyang mawala…
ISANG HIMALA, 9 CINEMAS NA LANG, AICELLE TODO-PAKIUSAP NA PANOORIN NA
Masaya na sana na nadagdagan ang cinemas ng GB, na ang ibig sabihin, pinakinggan ng theater owners ang panawagan at request ng mga moviegoers na dagdagan ang sinehan na paglalabasan ng pelikula.
Nakalulungkot naman na nabawasan ang mga sinehan ng Isang Himala (IH) sa third day pa lang ng 2024 MMFF. May post si Director Pepe Diokno, director ng pelikula tungkol dito sa X (dating Twitter).
“Just got the heartbreaking news that Isang Himala is down to 9 cinemas.... Pero madadagdagan tayo ng Powerplant bukas! (today). Please watch the film before it’s too late, and please request the film from your nearest cinema if it’s not yet showing in your area,” sabi ni Direk Pepe.
May post din si Aicelle Santos tungkol sa kanyang pelikula na sana ay pakinggan ng moviegoers.
Aniya, “Nag-uumapaw po ang pasasalamat sa magagandang reviews ng Isang Himala. Ngunit sadyang kakaunti lang ang sinehan na nagpapalabas sa ‘min. Bago pa mawala, unahin nang panoorin ang ISANG HIMALA.”
Magaganda ang reviews sa movie at tiyak na kapag nanalo ito ng awards sa awards night kagabi, madaragdagan ang interes ng moviegoers to watch the film.
Tama nga naman, ‘wag puro pa-trend sa X at papuri, panoorin din ang Isang Himala.
Nag-post si Dennis Trillo na magkasama sila ni Alden Richards sa pa-block screening ng huli para sa 2024 MMFF entry na Green Bones (GB). Nakaakbay si Dennis kay Alden sa picture at ang sabi, “Dito sa ‘king tabi... Mr. Box Office King. Maraming Salamat #greenbonesmovie #mmff2024.”
Nang mainterbyu si Alden at matanong kung bakit siya nagpa-block screening, “Na-curious ako sa magandang review at excited akong mapanood,” sagot nito.
Para mas masaya ang kanyang panonood, nagpa-block screening siya sa Shangri-La Plaza Mall at inimbita ang iba nilang kasama sa Pulang Araw (PA). Present sina Barbie Forteza, Jay Ortega at Sanya Lopez at dumating din si Atty. Annette Gozon-Valdes. Of course, baka gawing isyu na wala si David Licauco sa block screening at baka isiping hindi siya inimbita ni Alden. Ang rason kung bakit wala siya ay nasa bakasyon ito sa ibang bansa.
Kaya kahit magkaaway ang mga roles nina Alden at Dennis sa PA, friends sila in real life.
Dumating din si Ruru Madrid na kahit wala sa PA ay kasama naman sa GB at nagpakita ng husay sa pag-arte.
Sayang at wala si Director Zig Dulay na naikuwento na gusto ni Alden na magkatrabaho sila at gumawa ng pelikula. Wala palang oras dahil pareho silang busy, pero siguradong gagawan ng paraan ng GMA ang schedule ni Alden para matuloy ang pagsasama nila sa pelikula ni Direk Zig.