ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 14, 2025
Hindi nakapagpigil si Janno Gibbs at namura ang netizen na tinawag siyang “enabler” dahil lang nag-comment siya ng heart emoji sa post ni Dennis Padilla.
Noong una, maayos ang sagot ni Janno na, “Nakikisimpatya lang sa kaibigan.”
Sa isa pa nitong comment, ang sabi, “Define ‘Enabler.’”
Dahil kinuyog na si Janno at kahit may nagtanggol sa kanya at nag-comment na nakisimpatya lang ito sa kaibigan ay enabler na agad, napuno na ito at sinagot ang patuloy na namba-bash sa kanya.
May mga nagulat at natawa sa pagmumura ni Janno sa nang-bash sa kanya dahil lang sa emoji. Deserve raw ng mga pakialamera na pati emoji ay ginawang big deal. May tumawag din sa kanyang patolero.
Hindi na nga lang mababasa ang iba pang comments dahil in-off ni Dennis ang comment box ng kanyang Instagram (IG) at hindi na ma-access ang post na pinagmulan ng gulo ni Janno at mga netizens.
Pati pala si Boom Labrusca na nag-comment ng “Kuya Dennis, yakap,” sa FB post ni Gene Padilla, tinawag ding enabler.
Mukhang nakabantay ang mga netizens sa mga posts ng mga Padilla at nagre-react sila kapag may nabasang nakikisimpatya kay Dennis.
Mabuti at hindi na inaway ng mga netizens ang ibang celebrities na nagpahayag ng pakikisimpatya kay Dennis. Tama rin ang ibang celebrities na hindi na lang nagre-react at baka pati sila ay madamay at idamay.
MABABASA ang post ni Charo Santos-Concio sa Instagram na, “Abangan ang pagbabalik ng #maalalamokaya sa IwantTFC every Thursday, starting April 24, 2025.”
Sa isa pang post sa IG, sabi ni Charo, “My heart is filled with gratitude and joy! Abangan!”
Sa Apr. 26 naman ang simula ng airing ng Maalaala Mo Kaya (MMK) sa Kapamilya Channel, A2Z at Kapamilya Online Live. Ibig sabihin, magkakatapat na uli ang drama anthology nina Charo at Mel Tiangco na MPK sa GMA-7 naman.
Anyway, sa ipinost na photo ni Charo sa IG, makikitang sumabay siyang sumayaw kay BINI Sheena na itatampok ang life story sa MMK. Itatampok din siguro ang life story ng lahat ng members ng BINI, isa-isa nga lang.
Itatampok din sa MMK ang life story ng The Voice US Grand Champion na si Sofronio Vasquez. Si Elijah Canlas ang gaganap sa role ni Sofronio na ang alam namin, kumakanta rin.
May mga requests na ang Kapamilya fans kung kaninong life story ang gusto nilang itampok sa MMK at kabilang dito ang life story ni Carlos Yulo.
NAG-SORRY sa kanyang mga fans si David Licauco dahil hindi nakapunta sa SM North Edsa last April 12 para sa cinema visit to promote Samahan ng mga Makasalanan (SNMM) dahil nagkasakit.
Sa SM Megamall at SM Mall of Asia (MOA) na lang siya nakahabol and hopefully, may susunod pang cinema visits sina David para makabawi.
Pati ang opening ng Kuya Korea resto niya sa Clark, na-move ang date for the same reason. Hindi na nito kinaya ang sunud-sunod na ganap sa kanyang career at pagiging businessman at nagkasakit na.
Speaking of David, sa May 16, 2025 na ang release ng kanyang debut single na I Think I Love You under Universal Records PH. May photos na ini-release ang Universal na nagre-recording si David, baka nga naman may basher na magsabing may ghost singer siya.
Sabi ng Universal, “Exciting new chapter,” sa career ni David ang pagiging recording star and in fairness, kumakanta siya. Siya rin ang kumanta ng isa sa mga songs sa Maria Clara at Ibarra (MCAI) at kumakanta siya sa mga mall shows.
Humihirit na ng request ang mga fans na sana sa music video ng single ni David, kasama niya si Barbie Forteza. Siguro naman, pagbibigyan ni Barbie kapag nag-request si David at ang Universal Records.