ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 21, 2024
Sumugod pa talaga ang ilang mga netizens sa Instagram (IG) account ni Mariel Padilla para sabihing deserve nilang ma-boo.
Na-boo kasi si Senator Robin Padilla sa concert ng BINI noong November 18 sa Smart Araneta Coliseum. Isa-isang in-acknowledge ng members ng BINI ang mga celebrities na nanood ng concert nila at nang mabanggit si Robin, nag-boo ang mga tao.
Tanong ng ibang mga netizens, ano raw ba ang kasalanan ni Robin para ma-boo? Kasalanan ba nito kung nanood siya ng concert na siguro naman, bumili sila ng tiket at hindi complimentary.
Kasamang nabanggit ang pangalan ni Mariel, kaya kasama siya sa comment na, “Deserve n’yo po ma-boo.”
Kasama pa naman nina Robin at Mariel na nanood ng concert ang mga anak na sina Isabella at Gabriella na mabuti at mga bata pa at hindi alam kung para saan ang ingay na narinig.
Walang sumisisi sa BINI dahil binasa lang naman nila ang list ng mga nanood at hindi rin nila ma-control ang reaction ng audience. Suhestiyon ng ibang mga netizens, ‘wag na lang i-acknowledge ang mga VIP at celebrities sa mga concert para maiwasan na may ma-boo.
Kasama palang na-boo ang grupong BGYO na mag-iisip ka kung ano ang kasalanan nila sa tao o may kasalanan sila sa BINI at iginanti lang sila ng audience.
Habang todo-promote ng TV…
HEART NADULAS SA BAHAY, SIKO NAPURUHAN
Newsmaker talaga si Heart Evangelista dahil ‘yung video ng pagkadulas niya habang nag-a-unboxing nang ine-endorse na Cherry TV ay umabot na sa 2.3 million ang views sa Instagram (IG). Success na sana ang unboxing ni Heart sa 55 inches TV, tumayo siya sa likod ng TV, humakbang at bigla na lang siyang natumba.
Nagkagulo ang mga kasama sa bahay ni Heart, may sumigaw at may sumugod sa kanya para tulungan siyang makatayo.
Ang right elbow nito ang inireklamo na itinukod daw niya nang siya’y matumba.
Ang ikinatawa ng mga followers niya, idinaan sa tawa ni Heart ang nangyari sa kanya na kahit nasaktan, nakangiti pa rin ito.
Lalong natawa ang mga followers nito sa IG sa comment na, “Lintik! Bumili kayo ng TV!”
Siguradong tuwang-tuwa kay Heart ang mga taga-Cherry dahil sa blooper na ‘yun ng aktres, marami ang mapapabili ng brand ng television.
May nag-comment naman na hindi pa nadulas o natapilok si Heart na high heeled o killer shoes ang suot. Kung kailan nasa bahay lang siya at tsinelas ang suot, saka naman siya nadulas.
In fairness, pati ang pet dog ni Heart na si Panda, lumapit sa fur mom niya nang makitang natumba ito. Mabuti na lang at walang grabeng nangyari kay Heart Evangelista at nagtatanungan pa kung paano at bakit siya nadulas?
Chloe, sapul daw…
AI AI: NANAY ANG NAGTUTURO SA ANAK NA MAGING MABUTING ASAWA
Moving on si Ai Ai delas Alas after nilang maghiwalay ng asawang si Gerald Sibayan. Busy siya sa kanyang Balik-Ganda at Balik-Fitness program at bukod sa workout, may dance lesson pa siya.
Sey niya, “Mahabang proseso pero pipilitin kong maging mabilis at produktibo... hindi lamang para sa ‘kin, kundi sa iba pang kagaya kong may pinagdadaanan. Laban lang, i-Zumba natin ‘yan #loveyourself, #movingforward.”
May post sa Instagram (IG) si Ai Ai na ang sabi: “Nanay ang nagtuturo sa anak na maging mabuting asawa.”
Sinang-ayunan ito ni Ai Ai, “Tama nga naman, so mga anak, alam na this,” at naka-tag ang mga anak niyang sina Sancho at Nicolo.
Akala yata ng mga followers ni Ai Ai, si Chloe San Jose ang kanyang sine-shade dahil ang daming nagbanggit sa pangalan ng girlfriend ni Carlos Yulo.
Mabuti rin at wala pang nagta-tag kay Chloe dahil baka sumagot ito at sagutin siya ng anak ni Ai Ai na si Sophia delas Alas.