top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 15, 2023




Bilang nagdiriwang siya ng kanyang 52nd birthday kahapon (Feb. 14), nagbigay ng update sa kanyang Instagram page si Kris Aquino tungkol sa kanyang buhay sa Amerika, gayundin sa kanyang kalusugan.

Ibinalita niyang nakahanap na siya ng titirahang bahay at super happy siya dahil sa tabi ito ng dagat na matagal na niyang pinapangarap.


“We found a temporary home on Zillow that was also listed on AirBnB, available for a monthly lease… Dream come true for me because name the beach development back in the Phils., nag-viewing na kami…This home is in an excellent location, with fresh sea air and a nicely furnished patio with a beautiful view of the sea…” pagbabalita ni Kris.


Patuloy niya, “Hindi pa po ito 'yung permanent base namin because medyo malayo from the hospitals where my doctors are. Plus no area for me to isolate once my 1st cycle of treatment starts before the end of February.


“But after months of searching, finally may nahanap, just in time for my birthday… We are 14 hours behind Philippine time, in advance, THANK YOU because you continue to give me the best gift anybody in my situation could ask for, your prayers.”


Pero ang intriguing part ng kanyang post ay may binanggit siyang guy na lumipad pa raw sa US para makasama siya na hindi niya sinabi kung sino. Pero sa hula ng mga netizens, ito ay si Batangas Vice-Gov. Mark Leviste.


“I have a wonderful support system from my 2 sons, Alvin, Rochelle, Ate Rome, old friends & new friends here in the USA… But you need to be a very determined man of your word to fly 13 hours each way to spend a few days with me on my birthday. For his effort, I am GRATEFUL…” pagbabahagi ni Kris.


‘Yun nga lang, may nabanggit din siyang bagong result ng kanyang checkup na hindi related sa sakit niyang autoimmune pero mukhang hindi maganda ang findings.


“I promised myself after reading my latest results that had 1 unexpected & admittedly scary red flag (not autoimmune related). After iniyak ko na, TAMA NA. If ever that borderline number signals early detection, I am still blessed… IN FAITH I SURRENDER ALL to GOD…” lahad niya.


“Sa dami n'yong nagdarasal for me, kung umabot na kailangan ng mas aggressive na treatment (at a higher dosage it’s considered chemotherapy), imposibleng hindi tayo pagbibigyan ng ating Mahal na Ama.


"To all, a #lovelovelove day ahead of you, from the very thankful soon to be 52 year old birthday girl,” pagtatapos ni Kris.

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 4, 2023




Marami ang natuwa sa latest update ni Kris Aquino sa kanyang Instagram page kung saan ay may maganda siyang ibinalita regarding her health condition.


Sa simula ng kanyang post ay nagpasalamat si Kris sa designer na si Michael Leyva for being a loyal friend.


“To the original M.L. in my life @michaelleyva_ , little did I know, July of 2015- I’d make a lifelong, LOYAL friend and for Kuya Josh & Bimb to have an adopted kuya…


“Ibang klaseng #lovelovelove ‘yung lumipad ka for just 4 nights, timing your trip so you’ll be here on the day I had my 1st checkup… Thank you for the GENUINE LOVE & EXTREME EFFORT.


“Super appreciated ko that you never fail to mention that I was one of the people who helped open the door for you- pero dapat malaman ng lahat you won’t be who you are NOW kung hindi ka creative, super sipag, always pleasant, still humble, kusang matulungin, concerned sa welfare ng employees mo and mapagmahal sa pamilya…” ang appreciation post ni Kris for Michael.


Pagkatapos nito ay nagpasalamat si Kris sa patuloy na nagdarasal sa kanya at inihatid na nga ang magandang balita na finally ay na-meet na raw niya face-to-face ang kanyang doktor na aniya ay considered among the best.


“For all of you, thank you for continuing to pray for me - I failed to ask his permission if I could name him, but my new doctor is considered among the BEST,” aniya.


Matapos siyang tingnan ng doktor ay binigyan daw siya nito ng confidence para umasa na gagaling siya kahit na mahaba ang proseso.


“I waited 3 & a half months to have a face-to-face consultation- and I know I made the right choice because after months of uncertainty, he gave someone like me, suffering from multiple autoimmune conditions the most important element needed: the renewed confidence to HOPE that although it will be a long process, I do have a strong chance of getting better,” sey ni Kris.


Pati ang mga fans niya ay natuwa at nagkaroon din ng pag-asa that everything will be okay.


 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | September 8, 2022



Ang ganda na ng hitsura at kulay ngayon ni Kris Aquino kumpara sa ipinost niyang larawan niya tatlong buwan na ang nakararaan.


Huling post ni Kris sa kanyang Instagram account ay noong Hunyo 30 at noong Agosto ay lumipad na siya patungong Houston, Texas, USA para sa medical procedure na gagawin sa kanya ng kanyang Filipino-American doctor with his team.


Lahat ng tao ay nakasubaybay sa social media para sa update sa health status ni Kris dahil labis ngang nag-aalala ang marami sa huling ibinalita ng Ate Ballsy Aquino-Cruz nito na apat na ang kanyang autoimmune disease.


Halos lahat ay nag-i-imagine kung ano na ang hitsura ngayon ng mama nina Joshua at Bimby dahil ang huling larawang kumalat ay ‘yung sobrang payat siya na kita na ang buto sa magkabilang pisngi.


Pero nang mag-post siya kahapon, Miyerkules, nang pasado ala-una ng hapon ay marami kaagad ang nagpadala ng hearts emoji at umabot sa kulang 2,000 comments na nagsasabing masaya sila dahil nakita na nilang masigla na ulit ang mama nina Josh at Bimby.


Ipinost ni Kris ang larawang nakahiga siya katabi ang panganay at si Bimby naman ang nasa kabilang side ng kama.


Ang caption niya ay, “I didn’t want to post until I had clarity about my health situation.


Maraming salamat po because I know from my Ate & friends back home that many still continue to pray that I get better.

“Tomorrow morning (our time), rest muna my left arm because tatanggalin my PICC line.

“There have been times I wanted to give up-because of fatigue & being forever bedridden; the bruises all over my body that suddenly appear; my inability (since February) to tolerate solid food; headaches; bone deep pain in my spine, knees, joints in my fingers; and my constant flares esp. in my face that just keep getting worse…

“BUT I remind myself Kuya & Bimb still need me & mahiya naman ako sa lahat ng mga patuloy na nagdarasal para gumanda ang kalusugan ko if I just give up.

“I am grateful to be blessed to have the means for us to move to another state, and have more tests done & go to other specialists; and finally start my immunosuppressant therapy. I was warned that the safest form of chemotherapy (I don’t have cancer) that can be used for my autoimmune conditions will make me lose my hair. Hair will eventually grow back but permanently damaged organs won’t - so dedma muna sa vanity. Happy birthday @drkatcee.

“To our new friends & guardian angels in Houston our love & gratitude is forever. Thank you Ate Rey & Christina, as well as Tita Marie…”


Samantala, kinlaro ni Kris ang ibinalita ni Ate Ballsy niya na nalamang apat na ang autoimmune disease niya nu'ng nasa Houston siya.

“Naguluhan si Ate during the zoom Q&A: to clarify we left the (emoji Philippine flag) I was already diagnosed with 3 autoimmune conditions. It was while here in Houston that I was diagnosed with a 4th. Unfortunately all my physical manifestations are pointing to a possible 5th - opo, pinakyaw ko na! “Good night & God bless to all with #lovelovelove from Kuya, Bimb, and me.”


Magandang balita ito na kahit hindi pa magaling si Kris ay may magandang resulta naman ang pagpunta niya sa Amerika.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page