ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 13, 2020
Iba’t ibang reaksiyon at emosyon ang naramdaman ng mga Kapamilya artists nang hindi i-renew ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN.
Ani Angel Locsin, “Tapos na po ang botohan. Kami po ay tulala at hindi alam kung ano ang gagawin. Gusto ko lang pong magpasalamat sa ilang taong pagtanggap n'yo po sa amin sa inyong mga tahanan."
Sabi naman ni Kim Chiu, "To those 70 members of the Congress, we hoped that you decided based on conscience, not pride; based on Facts, not ego, based on truth, honesty, and service, not vengeance.
“To the 11 members of the congress, THANK YOU for being BRAVE. Thank you for giving us HOPE.”
Hirit ni Bea Alonzo, “Tapos na ang botohan. Nakakatulala. Parang panaginip… Yakap, mga Kapamilya.”
Si Angel Aquino, “Sa lahat ng Kapamilya sa buong mundo, hindi natin kakalimutan ang araw na ito. Napakasakit ng ginawa n'yo sa pangalawang tahanan namin. Sa mga katrabaho ko. Napakarami n'yong sinaktan. Napakarami n'yong inulila. NASAAN ANG PUSO NINYO.
“I am lost for words… my heart breaks for everyone that is affected by this… from our bosses to all… the employees and the loyal viewers of ABS-CBN… It is indeed a very sad day.
“I know people won’t forget this… maraming salamat sa lahat ng sumuporta at nagdasal..
“I stay hopeful that somehow this isn’t the end… A big hug to my Kapamilya Family #KapamilyaForever”
May naghahanap kay Coco Martin. Bakit daw wala ang actor sa Kapamilya caravan na tumungo sa Kongreso nu’ng Friday?
Maging sa vigil daw ng mga artista nu’ng Fridy night ay hindi rin nakita ang aktor samantalang nu'ng unang ipatigil ang pag-ere ng Dos ay nagwala pa si Coco.
Just asking lang daw po... (Naka-lock-in taping sa Batangas, 'Te Beth. — JDN)