ni Julie Bonifacio - @Winner | July 27, 2021
Speaking of SONA 2021, napanood namin sa Facebook Live ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. ang pagkakatapilok ni Pres. Rodrigo Duterte pagpasok niya sa bulwagan ng House of Representatives.
Mabuti na lang at ‘di natumba ang pangulo. Although, gumewang na ang katawan niya but managed to control himself. At agad naman siyang nilapitan ng kanyang presidential guard.
Tinackle ni P-Duterte sa kanyang SONA ang ABS-CBN. Sinabi niya na hindi naman daw masama ang loob niya sa Kapamilya Network.
"Wala akong problema sa ABS-CBN. They want to return my money when the case blew up. But they printed all garbage including my daughter as a drug trafficker. Nilamon ko na lang lahat 'yun, because I never wanted to appear vindictive,” pahayag ni P-Duterte.
Nag-react ang mga netizens sa sinabi ng pangulo.
“Bakit 'di mo sampahan ng kaso? Ke lalaking tao, tsismoso. Charot.”
“So, 'di ka pa niyan vindictive? Wala ka palang problema pero INUTOS mo na ipasara! Cleared na nga sa SEC at BIR, pero para sa iyo, may tax delinquency pa rin ang station. Inconsistent. Ewan ko sa iyo, Tandang Kanor. #DutertePalpak #DuterteInutil.”
Claim pa ni P-Duterte, ABS-CBN is "cheating government billions in taxes” at pati ang tax sa lupa ng Kapamilya Network ay binanggit din niya.
Ayon pa sa pangulo, “They are still fighting for the frequency. I will give it to Filipino na gusto gumawa ng tama and pay. Even their equipment were imported tax-free, they still owe government millions.”
“4 hectares out of 40 hectares...”
“Ang tunay na cheating of government is 'yung hindi mo ipinapakita ang SALN mo."
“Hahahahaha! Wala ka talagang kasawaan bugbugin ang ABS-CBN 'noh? Hahahaha! Saka mo na sabihing cheating to our government kapag may patunay na kayong agency na may utang sila.”