ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | December 10, 2020
Ibang level na talaga si Kim Chiu dahil ka-level na niya ang mga sikat na celebrities sa ibang bansa tulad nina Chris Hemsworth, Arashi, Red Velvet, Black Pink, BTS, Mario Maurer, Lee Min Ho, Hugh Jackman, Keith Urban, Lee Dong Wook, Donnie Yen at marami pang iba sa Forbes Asia’s Top 100 Digital Stars.
Ayon sa listahan ng Forbes, "100 singers, bands, film and TV stars with a strong social media presence in the Asia-Pacific region" ang kanilang pinili.
At ang caption sa larawan ni Kim, “Chiu used a viral video gaffe during a live stream in May as the basis for The Classroom Song. A live performance of the hit has over 9 million views on YouTube. Chiu then sold The Classroom Song branded T-shirts to raise money for pandemic relief.”
Bukod kay Kim, ilan pang local celebrities natin ang napasama sa Forbes Asia’s Top 100 Digital Stars tulad nina Angel Locsin, Marian Rivera-Dantes, Anne Curtis, Vice Ganda, Kathryn Bernardo at Sarah Geronimo-Guidicelli.
Matatandaang nag-viral ang panayam kay Kim noong kasagsagan ng Covid-19 lockdown na, “Sa classroom may batas, bawal lumabas, oh, bawal lumabas. Pero ‘pag sinabi, ‘pag nag-comply ka na bawal na lumabas pero may ginawa ka sa ipinagbabawal nila, inayos mo ‘yung law ng classroom n'yo at sinubmit mo ulit ay puwede na pala ikaw lumabas.”
Kaliwa’t kanan ang bashing kay Kim dahil parang hilong-talilong daw ang aktres sa sinabi niyang ito, pero heto, ginawan ng Tiktok memes ng mga netizens na naging million views kaya sa totoo lang ay maraming kumita sa Bawal Lumabas statement na ito ni Kimmy.
At dito naisip ng musikerong si Adrian Crisanto na gawin itong kanta kasama ang Squammy Beats na ipinrodyus nila kasama si Jonathan Manalo for ABS-CBN Star Music na instant hit at lahat ng kinita ni Kim sa kantang ito ay itinulong niya sa mga nangailangan sa panahon ng pandemic.
Nakakatuwa dahil nagbunga ng maraming blessings ang Bawal Lumabas song ni Kim kaya nagpapasalamat siya sa lahat ng supporters niya na hindi siya iniwan kahit kailan.
Ini-repost ni Kim sa kanyang IG account ang larawan niyang kasama siya sa Forbes Asia’s Top 100 Digital Stars.
Nabanggit ng aktres na habang isinusulat niya ang caption ay tumutulo ang luha niya sa saya.
“Ang #bawallumabas umabot ng FORBES.Com. I’m literally crying while typing all these.
“Grabe po! I am just thankful for everything God has been giving me. My faith has been tested this year but I never gave up on trusting his will, ALL IN HIS GLORY! ALL FOR YOU FATHER GOD!
“THANK YOU @forbes for this recognition there is truly LOVE AND LIGHT! MARAMING SALAMAT PO! WOW!!!!!”
Bale ba, katatapos lang ng virtual mediacon ni Kim para sa Bawal Lumabas iWantTFC series niya nang makita niya ang balita habang nag-i-scroll siya sa cellphone niya.
Speaking of Bawal Lumabas series ay mapapanood ito simula sa Disyembre 14-19 sa iWantTFC mula sa direksiyon ni Benedict Migue handog ng Dreamscape Entertainment kasama sina Rafael Rosell, Kyle Echarri, Francine Diaz, Trina Legaspi, Paulo Angeles at Giselle Sanchez.