ni Rohn Romulo @Run Wild | Dec. 2, 2024
Photo: Julia Montes at Julia Barretto - IG
Samantala, may dalawang aktres ang aming aabangan sa filmfest — si Julia Montes na nag-aksiyon at nag-drama sa TOPAKK na pinagbibidahan ni Arjo Atayde na mula sa Nathan Studios, Inc., at si Julia Barretto na muling susubukan ang box-office appeal sa pelikulang Hold Me Close (HMC) ng Viva Films na balik-tambalan nila ni Carlo Aquino.
Magkaibang genre ang kanilang pelikula na isang hard action-drama at isang rom-com na mukhang mapanakit na naman, pero alam naming meron itong sariling audiences.
Pagdating sa acting performances, ang dalawang Julia ay meron din namang ibubuga at tiyak na hahangaan din.
Kaya sey ng mga netizens, sana, December 25 na bukas, para magkaalaman na.
‘Di bale, ilang tulog na lang naman ang bibilangin at Pasko na.
As expected, trending sa bansa ang #UninvitedEvaTrailer nang ilabas ito nang 7 PM nu'ng November 30.
Ipinakita nga ang ilan sa mga aabangang highlights ni Star for All Seasons Vilma Santos sa Uninvited, ang certified talk of the town na entry ng Mentorque Productions at Project 8 Projects sa 50th MMFF.
May katanungan na inilagay sa caption ng naturang trailer drop, “HANGGANG SAAN ANG KAYANG GAWIN NG ISANG INA PARA SA HUSTISYA?”
Halos lahat ng nag-abang at nakapanood ng trailer ay muling napa-wow sa mga intense scenes ni Ate Vi, lalo na nang sambitin ng character niya na si Eva ang pagbabantang, “Tandaan mong mabuti ang pangalan ng taong papatay sa ‘yo!”
Nakakapangilabot nga ang ipinakitang eksena, kung saan pinatay ang kanyang anak na gagampanan ni Gabby Padilla, na isa ring mahusay na aktres at nagwaging Best Actress sa 20th CineMalaya para sa Kono Basho (KB).
Kakaiba talaga si Ate Vi, meron at meron pa ring ipinapakita na susubok sa kanyang husay sa pag-arte, na tiyak na kaabang-abang sa mga manonood.
Say ng mga Vilmanians at mga netizens, mukhang mangangabog na naman si Ate Vi sa awards night, at posible talagang mag-back-to-back Best Actress siya.
Kasama niya sa Uninvited sina Aga Muhlach at Nadine Lustre na hindi rin magpapakabog dahil parehong palaban ang kanilang pagganap, base sa kanilang trailer drop at kasama pa nila ang all-star cast.
Hindi lang kami sure kung ilalagay si Aga sa Best Actor category at si Nadine sa Supporting Actress ba o sa Best Actress din tulad ni Ate Vi.
Sa direksiyon ng award-winning director na si Dan Villegas at sa panulat ni Dodo Dayao, magsisimula nang mapanood ang Uninvited sa Dec. 25, Christmas Day.