top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Apr. 4, 2025



Photo: Sinagtala


Totoo pala at hindi chismis lang na maganda at matino ang pagkakabuo ni Direk Mike Sandejas sa drama-musical movie na Sinagtala The Movie na pinagbibidahan nina Rhian Ramos, Rayver Cruz, Glaiza de Castro, Arci Muñoz at Matt Lozano bilang bumubuo ng bandang Sinagtala.


Napanood na namin ang movie sa block screening nito last Apr. 2 sa SM Aura na sayang at si Matt lang ang nakadalo dahil may kani-kanyang prior schedule ang iba pang lead cast.


Ang ganda ng pagkakatahi ng istorya na nabigyan ng equal exposure ang limang bida at talagang nai-present ni Direk Mike ang kani-kanyang journey nila.


Hindi na kami nagulat kina Rhian, Rayver, Glaiza at Arci na pare-pareho na naming napanood umarte. Pero rebelasyon sa amin si Matt na may ibubuga rin pala sa pag-arte at tumatak sa amin ang dalawang eksena nila ni Benjie Paras na gumaganap na tatay niya sa movie.


Very touching ang mga naturang eksena nila kung paano niya sinabi sa ama na bading siya at kung paano tinanggap ‘yun ni Benjie na dating basketball player kaya astig at brusko.


In real life, okay daw ang relasyon ni Matt sa kanyang ama at suportado nito ang pag-aartista niya. 


Ang ina pa nga raw niyang GMA-7 executive na si Ms. Elaine Lozano ang mas tutol nu'ng una sa pagpasok niya sa showbiz dahil pinoprotektahan daw siya nito na hindi maranasan ang hirap na dinaranas ng mga nag-a-aspire na mag-artista.

Single sa ngayon si Matt after an 8-year relationship with a non-showbiz girl. Ine-enjoy daw muna niya ang kanyang singleness dahil nagagawa niya ang mga gusto niyang gawin tulad ng pagmo-motor.


In fact, nang ma-brokenhearted daw siya, bumili talaga siya agad ng big bike para pagkaabalahan.


Samantala, sa Sinagtala The Movie, may scene na binigyan siya ng prostitute (played by Arci) ni Benjie Paras kaya tinanong namin si Matt if puwede rin ba siyang ma-in love sa isang prosti in real life.


Medyo napaisip ang guwapong aktor na may hawig kay John Estrada bago sumagot na kung past naman na raw at hindi na ginagawa ng girl ay puwede naman, pero ibang usapan siyempre ‘yung kapag ayaw nitong iwan ang trabaho.


Well, showing na simula nu'ng April 2 ang Sinagtala, The Movie na isang barkadahan movie na may puso at mapapatanong ka rin talaga sa sarili mo after watching this na “Ano nga ba’ng purpose ko in life?”


Ito kaya ang dahilan kaya napapayag si Sen. Alan Peter Cayetano na maging creative producer ng Sinagtala, The Movie?

What do you think, Jun Lalin?


 

Pareho raw mama's boy pero habulin ng chicks…

GARDO, IPINASA NA KAY KIKO ANG PAGIGING “MACHETE”





PROUD mama’s boy si Gardo “Cupcake” Versoza at du'n daw sila nagkapareho ng bida sa TV5 seryeng Lumuhod Ka sa Lupa na si Kiko Estrada.


Inamin ito ng main kontrabida sa LKSL sa ginanap na mediacon last Wednesday (April 2) para sa last 4 weeks airing ng serye.


Natanong kasi namin si Gardo at ang isa pang magaling na aktor na si Sid Lucero na gumaganap ding kontrabida kung paano nila ide-describe si Kiko bilang aktor base sa pagkakakilala nila rito sa isang taon nilang pagsasama sa taping ng serye.


Unang sumagot si Sid at pinuri nga si Kiko na bukod daw sa looks at magandang height, asset din nito ang kanyang passion for his work na kung ilarawan nga ni Sid, “He's a fireball,” kung saan ibinibigay daw lahat ni Kiko ang kanyang makakaya kaya napapadali ang trabaho nila sa taping.


Then, nu'ng turn na ni Gardo, du'n nga niya sinabi na pareho silang mama's boy ni Kiko.

“Siyempre, basta mama's boy, you won't go wrong,” katwiran pa niya.


Nakikita raw niya ang kabataan niya kay Kiko bagama't mas malakas daw ang appeal ng anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz.


Hirit pa ni Cupcake Gardo kay Kiko, “Ipapamana ko na sa ‘yo ‘yung pagiging Machete,” na sinagot naman ng huli na wala pa ring papalit kay Gardo bilang Machete.


At dahil likas na ma-chika rin talaga itong si Cupcake, ibinuking din niyang edge ni Kiko sa ibang action stars ngayon ang pagiging cariñoso kaya lapitin daw ng mga girls at ‘di na kailangang mamilit pa.


Acting wise naman daw, ang maganda kay Kiko ay open ito at always willing to learn, ‘di raw tulad ng iba na feeling alam na lahat ng bagay.


Heto na nga ang catch, may justification si Cupcake kung bakit nagiging babaero ang isang lalaki na may konek sa kanilang pagiging mama's boy ni Kiko.


“Kidding aside, sabi ko nga, ‘pag malapit ka sa magulang mo, lalo na sa nanay mo… kumbaga, ang dami ko nang na-encounter na sobrang babaero, pero kaya pala siya babaero is wala siyang makitang kagaya nu'ng nanay niya. So sabi ko, ‘Ay, na-justify ko na ‘yung sa ‘kin, kaya rin pala ako ganu'n nu'ng kabataan ko,” tawang-tawang sabi ni Gardo.

Naku, isang taon pa lang silang nagkasama sa Lumuhod Ka sa Lupa pero alam na raw lahat ni Gardo ang mga sikreto ni Kiko, ha?


So, ayan, malinaw nang sa serye lang sila mortal na magkaaway, but in real life, good friends sina Norman Dela Cruz (Kiko) at Benito Balmores (Gardo).


At marami raw dapat abangan na maiinit na action scenes sa last 4 weeks ng LKSL lalo na ‘yung mga eksena nila sa yate.


Mula sa direksiyon nina Albert S. Langitan, Roderick Lindayag, Zyro Oliver at Franz P. Radoc, kasama rin sa powerhouse cast ng LKSL sina Rhen Escaño, Sid Lucero, Ryza Cenon at Althea Ruedas.


Huwag palampasin ang huling laban ng galit, pag-ibig, at paghihiganti sa Lumuhod Ka Sa Lupa. Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 7:15 PM sa TV5’s #TodoMaxPrimetimeSingko, pagkatapos ng Frontline Pilipinas, at may catch-up replay ng 8:00 PM sa Sari-Sari Channel.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page