ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 4, 2025
Sinaway ng mga kapwa BarDa fans nina Barbie Forteza at David Licauco ang ilang fans na masaya at tuwang-tuwa na nag-break na sina Barbie at Jak Roberto. Hindi raw dapat ipagdiwang ang breakup ng JakBie dahil kahit totoong may na-fall out of love sa isa sa kanila, may lungkot at sakit pa rin silang nararamdaman, lalo na’t seven years ang naging relasyon ng dalawa.
Kaya pakiusap ng isang BarDa fan, maghinay-hinay sa mga comments ang mga kapwa niya fans. Kaya lang, mukhang hindi siya pinakikinggan ng ilan, though may nag-sorry na isang BarDa fan na natuwa.
“Ngunit may bahagi sa puso ko ang nagdidiwang ngayon. Mahilig kasi talaga ako sa mga tambalang may tsansang magkatuluyan sa totoong buhay,” sabi ng fan.
Kahit may nagpaalala sa fan na malabong magkatuluyan sina Barbie at David dahil Chinese ang family ng aktor at gugustuhin nilang Chinese rin ang makatuluyan nito, baka raw maiba ang kaso nina Barbie at David at hindi tumutol ang parents ng huli.
Bumalik ang mga delulung BarDa fans at may chance na raw sina Barbie at David ngayon dahil balitang single na rin ang aktor.
‘Kaloka, ayaw talagang papigil ang karamihan sa mga BarDa fans.
May mga fans naman si Barbie na natutuwa na single siya ngayon, she’s free to do whatever roles na walang magbabawal at wala siyang iisiping boyfriend na magseselos.
Baka pumayag na rin daw si Barbie na magpahalik dahil sa projects nila ni David, kahit kailangan sa eksena na mag-kiss sila, hindi pumayag ang aktres.
Hirit ng mga OFWs, pinagbigyan… MMFF MOVIE NI VIC, IPAPALABAS SA BUONG MUNDO
Pinakinggan ng MQuest Ventures, APT Entertainment at M-Zet Productions ni Vic Sotto ang request ng mga kababayan natin sa ibang bansa na ipalabas kung nasaan sila ang The Kingdom (TK).
Sabi ng MQuest Ventures, “Narinig namin ang hiling n’yo! #TheKingdom coming soon in theatres, WORLDWIDE!”
Nakasulat ang worldwide premiere sa USA, Canada, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Bahrain, Qatar, Vienna, Austria, Australia at Singapore. May mga nagre-request na magkaroon din ng screening sa Hong Kong, Israel, Italy, Japan, Ireland at iba pang bansa na may mga kababayan tayo.
Magugulat ang mga makakapanood sa pelikula kay Vic dahil hindi siya nagpatawa at kaya niyang hindi mag-comedy.
Maganda rin ang pelikula, kaya nga nag-Second Best Picture sa katatapos na 2024 MMFF.
Mahusay si Direk Mike Tuviera at pinaiyak nito ang mga moviegoers, kaya tiyak na iiyak din ang mga manonood nating kababayan sa ibang bansa.
Samantala, ang gandang pagmasdan na sama-sama ang Sotto family noong New Year at tila sa Baguio sila nag-celebrate ng Bagong Taon. Halos kumpleto sila at si Mayor Vico Sotto lang ang wala.
Hirit ng kampo ng isa sa mga ex-BF…
BEA, MAG-SOLO NA LANG DAHIL MASYADONG MAPILI SA LALAKI
Tila wala pang balak bumalik ng Pilipinas si Bea Alonzo dahil sa latest post nito sa Instagram (IG), nasa London siya.
After Andorra and Spain, bumiyahe siya sa London at masaya ang mga fans ng aktres na ine-enjoy nito ang buhay at ang pagiging single.
May mga pakialamera lang na nag-comment na mag-solo siya dahil masyado siyang mapili sa lalaki. Ang mga fans na ni Bea ang sumagot sa basher na paano magso-solo ang aktres, eh, kasama niya ang kanyang pamilya sa kanyang travel?
Sinopla rin ng mga fans ni Bea ang basher na bago siya mag-comment, maging bilyonarya muna, bumili ng worth P30 million apartment sa Spain at magkaroon muna ng malawak na farm.
Ayun, nanahimik ang basher na fan pala ng isang ex ni Bea.
Anyway, inaabangan na ang pagre-renew ng kontrata ni Bea sa GMA Network at ang kasunod niyang project after Widows’ War (WW) na malapit nang magtapos.
Ang request ng mga fans ni Bea, a teleserye or movie sana directed by Zig Dulay. Si Zig ang director ng WW, pero napalitan siya ni Director Jerry Sineneng nang gawin ni Direk Zig ang Green Bones (GB).
Tungkol naman sa love life ni Bea, ayaw nang makialam ng kanyang mga fans, bahala na raw ito kung kailan magmamahal uli. Basta sila, nakasuporta lang sa kanya.