ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 7, 2024
Kinukuwestiyon ng mga bashers ni Pia Wurtzbach ang pagkakasali niya sa list ng Tatler Asia’s Most Influential 2024. Ano raw ang basehan sa pagkakapili kay Pia at ang isa ngang netizen, parang hiningi ang resume ni Pia sa dami ng demands.
Ang payo sa kanila ng mga fans ni Pia, sa Tatler Philippines sila magreklamo at ginawa nga nito.
Naka-tag ang Tatler sa tanong na, “How did she influence people to be so-called influential? In what sense?”
'Kaaliw ang sagot ng mga fans ni Pia for the basher to take her medicine ASAP (as soon as possible), “I know you can’t sleep. Stay disturbed. Hahaha!”
Ang kulit ng basher, kahit sinagot at pinaliwanagan na siya, ayaw pa ring tumigil, kaya ayun, tuloy ang bardagulan ng mga fans ni Pia at ng mga bashers nito.
Mauulit at mauulit ang bardagulang ito hanggang may isyu ang mga fans ni Heart Evangelista sa glam team ni Pia.
In fairness, kung may mga hindi masaya sa pagkakasali ni Pia sa list ng Tatler, mas marami naman ang nag-congratulate sa kanya.
Ang sagot ni Pia Wurtzbach sa mga hindi makapaniwala na kasama siya sa list, “Such an honor to be part of this #TatlerPhilippines #AsiasMostInfluential2024.”
Natuwa at kinilig ang mga ShaGab fans nang mabasa ang greetings ni Sharon Cuneta kay Gabby Concepcion na birthday noong November 5.
Ipinost ni Sharon ang reels nang batiin niya si Gabby habang nasa stage sila at after kantahin ni Gabby ang Awitin Mo at Isasayaw Ko sa concert nila sa Toronto.
Bukod sa birthday song, may dala pang ube cake si Sharon at may birthday message na, “Happy Birthday @concepciongabby!”
Ini-like ni KC Concepcion ang post na ‘yun ng mom niya at nag-comment pa ng, “Awwwww!!! Happiest birthday, Papa!!!”
Dahil sa birthday greetings na ‘yun ni KC, may mga comments na alam nilang masaya si KC na magkasundo ang parents niya at sana raw, tuluy-tuloy nang magkasundo sina Sharon at Gabby. Sana raw, maging friends na sila forever.
Pinasalamatan din ng mga fans si Sharon for her birthday greetings at hindi lang daw sina Gabby at KC ang kanyang pinasaya, pati ang mga fans.
‘Katuwa ang ibang ShaGab fans, ginising daw ni Sharon ang diwa nila at kanilang aabangan ang mga susunod na pasabog ni Mega sa mga next shows nila ni Gabby.
NAG-SORRY si Miguel Tanfelix sa kanyang mga kapitbahay dahil mula nang mahilig mag-play ng drum at mula nang makabili ng drum set, kapag nasa bahay, walang tigil ang kape-play niya nito.
Sabi nito, “It all started with a simple jam. Sorry mga kapitbahay kung 3 days na akong nag-iingay. Hehe! Hello, coach @dongdantes & @jcdgonz.”
Sina Dingdong at Carlo Gonzales kasi ang naging coach ni Miguel the first time na umupo siya at hawak ang drum stick at tumugtog. Tinuruan siya nina Dingdong at Carlo, hanggang bumili siya ng drum set at ito ngayon ang hobby ng Kapuso actor.
'Kaaliw ang unboxing niya sa drum set at halatang excited.
Nag-comment ng emoji si Marian at sagot ni Miguel, “@marianrivera dahil 'yan sa Halloween party natin Ate Yan. Hahaha!”
“Rakenroll,” naman ang comment ni Dingdong.
Pati ang mga kapwa Kapuso stars ni Miguel, natutuwa sa bago niyang hobby ngayon at may nagre-request na mag-jamming na sila.
Samantala, sa action series na Mga Batang Riles (MBR) sunod na mapapanood si Miguel at matindi ang training niya at mga kasama lalo na sa action stunts. Ang nasabing series daw ang papalit sa Pulang Araw (PA).
ANG daming natuwa sa post ni Carla Abellana na, “Puppy is coming home with me,” na ang ibig sabihin, siya na ang nag-adopt sa ini-rescue niyang aspin na nasagasaan sa NLEX.
Siya ang nagdala sa vet at nagpagamot at ngayon, kasama na si Puppy sa kanyang mga fur babies.
In good hands daw si Puppy sa pag-aalaga ni Carla na nangakong patatabain ang payat na aso. Nangako ito na pakakainin ng chicken at steak ang bago niyang alaga at patuloy na gagamutin ang mga sugat nito hanggang gumaling.
And speaking of Carla, good news sa mga viewers ng Widows’ War (WW) dahil extended ito at fake news ang unang balita na tatapusin na ang series at hindi na itutuloy ang naunang plano na extended ito up to January, 2025.
Tuloy ang extension ng series, kaya matagal pang mapapanood si George na ang gumaganap ay si Carla Abellana.