ni Mylene Alfonso @News | September 13, 2023
Dinagsa ng reklamo ang Makati LGU dahil sa mga umano'y palpak na school supplies na ipinamahagi sa mga estudyante.
Ayon sa mga magulang na naglahad ng kanilang saloobin sa social media, hindi na kasya sa kanilang mga anak ang mga polo, shorts at sapatos na ipinamahagi ng lokal na pamahalaan para sa pasukan.
Matatandaang sinabi ni Makati Mayor Abby Binay na "annual tradition" ang pamamahagi ng mga nasabing school supply sa mga estudyante sa Makati.
Sinabi pa nito na pati ang mga estudyante sa mga eskwelahan na sakop ng EMBO barangay na inilipat na sa hurisdiksyon ng Taguig ay makatatanggap ng mga ganitong supply upang masigurong handa sila para sa pasukan.
Ayon sa mga magulang, dapat ay may naganap na pagsusukat man lang bago nagsimula ang klase upang masigurado na magagamit ang mga nasabing damit at sapatos.
Nag-trending sa social media ang #Swap dahil sa mga magulang na naghahanap ng makakapalitan ng mga uniporme at sapatos para sa kanilang mga anak.