top of page
Search

ni Lester Bautista (OJT) @Lifestyle | Feb. 13, 2025



Artwork: Kaye Eugenio (OJT)


Puno ng pag-ibig, pero baka naman ubos na ang budget mo? Huwag mag-alala dahil ang Valentine’s Day ay hindi kailangang magarbo para maging happy.


Hindi mo kailangang gumastos nang malaki para ipakita ang iyong love, love, love! Heto ang mga budgetarian tips para sa isang espesyal na araw.


Para magmukhang fancy nang hindi magastos, maghanda ng charcuterie board. Hindi kailangang mamahaling imported na deli meats. Pumili na lang ng local cheese, deli meats (ham, longganisa, o tocino), crackers, at mga prutas. Mura na, masarap pa.


#SupportLocal! I-arrange ang cheese sa gitna, ang mga sliced meats sa gilid, at prutas sa paligid para sa Instagram-worthy na date.


Nandito na tayo sa main event ng ating budgetarian tips, featuring… TUNA PUTTANESCA, sounds expensive? No worries, kayang kaya ‘to gawin. Una, ihanda ang ingredients — tuna in can, pasta, at mga herbs. See? Hindi naman ganu’n ka-complex ang mga kailangan.


Sunod naman ay lutuin na ang pasta, pagkatapos igisa ang tuna, at timplahan ng mga local herbs. Note: nakadepende sa preference mo ang lasa.



Para sa final touch, magdagdag ng garnish para mag-look professional chef sa budget-friendly dinner. Tandaan, sa dinner date, huwag nang magluto ng complex dishes, gumawa na lang ng tuna pasta — mura at madaling gawin.


Teka lang, walang tamis kung walang panghimagas, kaya subukan ang coffee jelly.


Kumuha lang ng instant coffee, gelatin, at gatas. Tunawin ang gelatin at ihalo ang coffee. Ibuhos sa lagayan at hayaang mag-set. Timplahan ng gatas at sugar, at mayroon ka nang perfect dessert.


Paalala, ang pagmamahal ay hindi nasusukat sa presyo. Ang mahalaga ay ang oras, super effort, at malasakit sa loved ones ang ipinapakita natin.


Kaya ngayong Hearts’ Day, ipagdiwang ang inyong pagmamahal nang budget-friendly at puno ng #HeartfeltMoments! TIPID na pag-ibig? No problem!

 
 

ni Thea Janica Teh - | July 20, 2020




Ngayong quarantine, mas marami na tayong time sa bahay kaysa sa labas. Kaya naman nakikita natin ang mga kulang sa bahay natin na hindi natin napapansin noon tulad ng damit na pambahay at pati na rin ang mga kitchen utensils!

True ‘yan mga bes, kaya naman naghanap muli ang ating matanglawin ng mga tindahan na tiyak na hahanapin natin dahil sobrang affordable!

Saan aabot ang P15 mo? Sa Explore with Chelo PH, magiging pinggan na ang P15 mo! Totoo ‘yan mga mars, perfect na perfect ito sa mga aspiring cook at pati na rin ang mga taga-kain.

Ito ay matatagpuan sa Quiapo, ngunit, dahil sa nararanasan nating pandemic, kumukuha na rin sila ng order gamit ang kanilang Facebook Page. Sabi nga sa kanilang FB Page, ito ang kalimitang nakikita natin sa Lazada at Shopee na medyo pricey dahil sobrang elegante tingnan, pero sa kanila, abot-kaya.

Perfect din ito sa mga food blogger at resto na gustong maging picture-ready at instagrammable ang kanilang mga food. Mayroon ditong mug, plates, bowls, cutlery set, ceramics at kahit ang golden spoon!

Para maka-order, i-message lamang sila sa kanilang FB Page sa www.facebook.com/chelolovegoodbuy at sabihin ang inyong pangalan, address, contact number, mode of payment (tumatanggap ito ng cash-on-delivery around Metro Manila) at mga picture ng inyong order.

May paalala naman ito kung tayo ay pupunta mismo sa kanilang shop. Pinaalalahanan na magdala ng ecobag para maging eco-friendly ang transaction at siguraduhin ding magsama ng kaibigan o kamah-anak para mas madaling makapamili ng bet na bet na pinggan!

Kaya ano pang hinihintay ninyo mga mars at bes, bisitahin na ang kanilang FB Page at mag-shopping! Sabi nga nila, #SupportLocal

 
 
RECOMMENDED
bottom of page