ni Julie Bonifacio @Winner | June 7, 2023
Ayaw matigil ng isyu tungkol sa pagre-resign nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa TAPE, Inc., producer ng noontime show na Eat… Bulaga!.
Ngayon nga ay may balita na rin kung saang network lilipat ang bagong noontime show ng TVJ. Ang malakas na bulong-bulungan ay sa TV5 na matutuloy ang tatlo.
Very persistent daw ang top head na si Manny V. Pangilinan na mapunta sa TV5 ang TVJ.
At balitang-balita na si MVP na ang producer ng bagong programa nina Tito, Vic and Joey.
Kaya lang, ongoing pa ang noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime sa TV5. Kaya ang malaking tanong ng mga showbiz insiders ay kung ano na ang mangyayari sa It’s Showtime sa pagpasok ng TVJ sa TV5?!
Until this post sa Facebook from an account name na Kapamilya Online Updates ang mabilis na nag-viral kahapon.
Ayon sa FB post, “Sa susunod na buwan ay hindi n’yo na matutunghayan ang It's Showtime sa TV5 tuwing tanghalian. Magkakaroon na lamang ng delayed telecast sa hapon.
"Samantala, patuloy nating makakasama ang It's Showtime family tuwing tanghali sa A2Z, Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel at IWantTFC. Ano’ng say n’yo, madlang pipol?”
Dinagsa ng mga comments and replies ang nabanggit na FB post. And in fairness, valid ang kanilang mga opinyon, ha!
“Ang daming ginulo ng TVJ!”
“Kung kukunin ng TVJ ang timeslot ng It’s Showtime, parang walang utang na loob itong TV5. Sa true lang talaga.”
“Okay lang po ‘yun, may Kapamilya Channel pa naman at A2Z. Lipat na lang po, gaya namin nu’ng napabalita na sa TV5 na papasok ang Eat… Bulaga!, lipat na agad kami sa A2Z kasi ru’n po kami masaya sa It’s Showtime.”
“Okay lang, sa A2Z naman ako nanonood ng It’s Showtime at kahit saan pa sila mapunta,
papanoorin ko pa rin sila… #SOLIDSHOWTIMER!"
“Okay lang ‘yan, uso na ngayon ang smart TV, basta may WiFi ka.”
“Okay lang, may iWantTFC naman kami.”
Tama naman!