top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | March 14, 2023



Bulgaran na talaga ang relasyon ni John Lloyd Cruz sa artist-painter na si Isabel Santos.


Sa ginanap na wedding ng isa sa mga pamangkin ng TV host-aktres na si Kris Aquino na si Jonty Cruz, magkasamang dumalo sina John Lloyd at Isabel.


It seems na matagal nang kaibigan ni Isabel ang groom na si Jonty kesa sa bride na si Sassa. Parehong mahilig sa fantasy at Marvel superheroes sina Isabel at Jonty.


Si Jonty ay apo nina Pres. Cory Aquino at Ninoy Aquino sa panganay na anak nilang si Ballsy Aquino-Cruz.


Ikinasal si Jonty kay Sassa Jimenez at ang nag-iisang kuya ni Jonty na si Jiggy Cruz ang tumayong ring-bearer and best man.


Siyempre, wala ang kanyang Tita Kris sa wedding dahil hanggang ngayon ay nagpapagamot pa ang TV host sa Amerika. Kung walang sakit si Kris, for sure, excited and happy siya na um-attend sa wedding ng kanyang pamangkin.


Sa pagkakaalam namin, close si Jiggy at ang panganay ni Kris na si Joshua. Madalas makitang kasama si Jiggy sa out-of-town trips ng mag-iinang Kris, Joshua and Bimby noon.


Going back to John Lloyd, marami ang nakapansin based sa mga lumabas na pictures nila ni Isabel na mukhang proud BF ang aktor.


Sa Instagram account ni Isabel ay nag-post siya ng mga larawan na kuha sa kasal nina Jonty at Sassa. At sa caption ay may pa-hashtag siya na #SASSAyanasiJonty.


Nag-comment ang bagong kasal na si Jonty sa IG post ni Isabel.


Comment ni Jonty, “Humanda ka sa wedding hashtag n'yo.”


Nag-reply naman si Isabel sa comment ni Jonty, “Pa-workshop na, haha, but I like yours!!”


Hmmm… mukhang may plano nang magpakasal sina Isabel at John Lloyd. If true, it’s about time.


Hindi na bumabata si John Lloyd.


Sa wakas, natagpuan na ni John Lloyd ang babaeng pakakasalan niya. Bagay naman sila kasi pareho silang artist at apo ng National Artist na si Malang si Isabel.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page