ni Nitz Miralles @Bida | Sep. 30, 2024
Kumain lang sa Manila Restaurant sa Rome, Italy sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial, relationship reveal na raw ‘yun. First time raw kasing may nakitang larawan na magkatabi sila dahil sa birthday ni Barbie, wala silang photos together. Pati sa video at reels na lumabas, hindi sila nakitang magkatabi man lang.
Nang magpunta sa South Korea, wala rin silang photos na magkasama at ang lumabas na photo ay galing sa mga Pinoy na nasa South Korea that time. May naglabas ng photos at videos nina Richard at Barbie nang mamasyal sila sa Italy, pero walang photo na magkatabi sila.
First time na makunan sila ng photos na magkatabi itong inilabas ng Manila Restaurant at hindi lang sila magkatabi, malinaw pa ang photos. Nagpasalamat ang owner ng resto sa pagbisita at quick lunch nina Richard at Sarah at may picture taking pa sila with the owner, staff at ilang diners.
May sinisi ang resto sa pagpo-post ng photos nina Richard at Barbie. Hindi lang daw mahindian ng dalawa ang nag-request ng photo op, ayun, nagkaroon ng immature revelation ang kanilang relasyon.
Mababasa ang comment ni Heart Evangelista na “Go @sarahlahbati” at comment ni Sofia Andres na “Love, love!” sa post ni Sarah ng reels na nasa Paris siya para sa Paris Fashion Week (PFW). Ibig sabihin daw nito, suportado ni Heart ang pag-attend ni Sarah sa PFW at baka nga masundan pa.
Kailangan daw ng support ni Sarah dahil nagsisimula pa lang siyang rumampa sa fashion week. Photos together nina Heart at Sarah ang request ng mga fans na posible namang mangyari.
Kaya lang, sina Heart at Sarah ang topic, biglang napunta kina Sarah at Barbie Imperial. Nagsagutan tuloy ang mga fans ni Sarah at mga fans ni Barbie. Mas lalala pa ang online war ng dalawang kampo pagkatapos lumabas ang photos nina Barbie at Richard Gutierrez na kumain sa Manila Restaurant sa Italy.
Saka, may isyu pa kay Sarah, ang tungkol sa pag-unfollow nila ni Kyline Alcantara sa isa’t isa sa Instagram (IG). In-unfollow rin ni Sarah ang friend niyang designer na si Chris Nick na nagdala kay Kyline sa New York Fashion Week (NYF). Remember, pinarampa pa nito si Kyline sa NYFW.
Sabi, may kinalaman ang conflict nina Sarah at Kyline sa NYFW dahil mas una palang naging friend ni Sarah si Chris at siya ang nagpakilala kay Kyline rito. Pati nga si Bea Alonzo, nag-unfollow kay Kyline at sa nagtanong kung ano ang konek ni Bea kay Kyline, nakilala niya si Kyline dahil kay Sarah.
Unfollow-han sa Instagram (IG) is the name of the game. Abang-abang tayo kung sino pa ang susunod na mag-a-unfollow.
Model na si Leyna Bloom, pumalag…
L'OREAL, TAMEME SA PRESS RELEASE NA SI PIA ANG FIRST PINAY NA RUMAMPA SA FASHION SHOW
BABALIK naman pala sa Paris si Pia Wurtzbach, hindi totoo na isang show lang ang nirampahan niya at bumalik na siya ng Pilipinas.
Ang nangyari, after ng pagrampa niya sa fashion show ng L’Oreal, pumunta muna siya sa Bangkok, Thailand para sa fashion show naman ng Bvlgari.
Sa mga nagtanong kung bakit ipinagpalit ni Pia ang Paris Fashion Week sa Bvlgari, ang sagot ay dahil siya ay endorser ng luxury jewelry brand at kailangang present siya. May post si Pia tungkol dito.
Aniya, “Spent an amazing few days with my @bvlgari family, I flew out of Paris on my birthday - working on my birthday feels lucky to me!”
Sa last part ng kanyang post, sabi nito, “Oh, by the way... #Paris, we’re coming back!”
Nabanggit din ni Pia na habang nasa Bangkok, nag-photoshoot siya for her first magazine cover in Thailand. Waiting na ang kanyang mga fans kung ano’ng magasin ito.
Samantala, may naniniwalang ang L’Oreal ang dapat magsalita at maglinaw sa isyung in-open ng model na si Leyna Bloom na siya at hindi si Pia ang first Filipina to walk sa runway ng L’Oreal. Ang L’Oreal ang nagsabi nito, kinontra ni Leyna at si Pia ang naba-bash. Bakit daw tahimik ang L’Oreal, tanong ng fans ni Pia Wurtzbach.