ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Jan. 19, 2025
Mga Ka-BULGARians, ang OG na Concert King at Concert Queen ng Pilipinas na sina Martin Nievera at Pops Fernandez, muling magtatambal para sa isang engrandeng konsiyerto na magpapabuhay ng ating mga pusong sabik sa nostalgia.
Titled Always & Forever (A&F), ang kanilang pinakabagong concert ay gaganapin sa SM Mall of Asia Arena (SM MOA).
First time nilang mag-headline ng show bilang tandem sa MOA Arena, pero teka, hindi ito ang unang beses nilang tumapak dito. Kung maaalala, noong 2013, kasama nila sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid sa isang epic na concert dito rin sa venue na ito. Pero ngayon, sa kanilang dalawa na talaga ang spotlight!
Hindi lang basta isang gabi ng kanta’t tawanan ang hatid ng A&F. Isa itong selebrasyon ng kanilang dekadang legacy sa musika at ang kanilang kuwento bilang magkaibigan, dating magkasintahan, at ngayo’y partners-in-performance.
Siyempre, aabangan ang kanilang bagong duet ng kantang The Promise (I’ll Never Say Goodbye) na unang inamin ni Martin na inirekord niya para ipahayag ang nararamdaman niya noon para kay Pops.
Clingy? Maybe! Suave? Definitely!
Pero mga ateng, hindi raw ito nag-work as intended, ha! Sa kabila nito, pinili nila ang kantang ito bilang theme ng kanilang show dahil gusto nilang i-capture ang essence ng A&F.
Ang totoo, mga nini, hindi naging madali ang pagsisimula ng kanilang partnership after their separation.
Sey nga ni Martin, “It was awkward.”
Pops, being the honest queen that she is, added, “There was so much discomfort and awkwardness.”
Pero hello, kahit super awkward nu’ng unang balik-tambalan nila, ginawa pa rin nila dahil sabi nga nila, “The show must go on!”
Ngayon, kung gaano ka-winner ang chemistry nila on stage, ganu’n din kalalim ang kanilang pagkakaibigan na nagsilbing pundasyon ng lahat ng ito.
“Sanay na sanay na kami ni Martin sa kapaan. Martin and I can go on stage na tinginan lang, nagkakaintindihan na kami,” sabay natatawang pahayag ni Pipay.
Kilig overload din ang cutie moments nilang dalawa bilang bagong grandparents sa kanilang apo na si Finn, anak ng kanilang panganay na si Robin Nievera.
Sey ni Pops, “Ang cute-cute niya. He’s so bait. He’s such a happy baby.”
Martin couldn’t agree more.
Dagdag pa ni Pops, “Robin will bring him to our rehearsals and he really listens. He listens so much that he falls asleep. I guess the noise doesn’t really bother him. Maybe, that’s a sign he will also be into music someday.”
So, malamang sa malamang, baka future Concert King in the making din si Baby Finn!
Walang ka-effort-effort ang chemistry nina Martin and Pops on and off stage.
Kung tatanungin kung ano ang meron sila na wala sa ibang tambalan, Martin explained it best: “It’s the automatic chemistry. Hindi kami nagpu-put on. No script needed.”
Totoo ‘to, mga ‘teh. ‘Yung tipong kahit walang peg o script, effortless pa rin ang kanilang mga performances.
Sey naman ni Pops, “Our chemistry is really different.”
‘Yun na! Kaya naman walang duda, ang tambalan nila ay hindi basta-basta matitibag.
Nakakakilig ding isipin ang sinabi ni Pops nang tanungin sila kung ano ang magiging title ng isang duet na maglalarawan sa kanilang journey.
Sey niya, “What Love Is Now. Because love has different dimensions and has different stages. Martin and I, ang dami na naming pinagdaanan and we have remained as good friends.” Goosebumps, mga Ka-BULGARians, ‘di ba?
‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan