ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 19, 2025
Photo: Andrea Brillantes - IG
Grabe ang palumpon ng red roses na natanggap ni Andrea Brillantes a.k.a. “Blythe” nu’ng kanyang kaarawan. Halos matabunan na ng mga bulaklak ang young actress.
Sa Instagram (IG) ni Andrea, post niya, “Birthday week!”
May nakapansin sa ngipin ng aktres na ang sabi, “What happened to your teeth?”
Sagot ng isang fan, “Natamaan ng frisbee, nasa b-day vid n’ya.”
“She had so much fun.”
Marami namang naghahanap kay Kyle Echarri.
“Bakit wala si Kyle?”
“Baka awkward si Kyle sumama since nand’yan si alleged BF. Maybe he’ll got hurt, kaya s’ya na lang ang umiiwas.”
“Halatang masaya kasi pati ngipin, naputol. Hahaha!”
“Noooo, what happened to your front teeth?”
“Hala sayang naman ‘yung ngipin niya, nabasag ba talaga sa frisbee? Hayaan mo na, veneers is the key.”
“Ang guwapo ng jowa mo @blythe.”
“Blythe, wow, that bouquet is stunning! Wishing you the happiest birthday week filled with love, laughter, and more surprises as beautiful as this.”
KINILIG ang mga fans ng KimPau sa ‘countdown’ video na inilabas ni Kim Chiu sa kanyang Instagram account kung saan magkasama sila ni Paulo Avelino.
Viral ang nasabing video na nagdya-jogging sila sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).
Caption ni Kim sa kanyang post: “Countdown to MY LOVE WILL MAKE YOU DISAPPEAR showing day in running version with the beautiful view of Burj Al Arab! Can’t believe 10 more days to go showing na po ang movie! See you all in cinemas worldwide! Save the date #March26.”
Ayon kay Kim, ang MLWMYD ay may premiere sa March 26, with screenings scheduled around the globe, including Australia, Singapore, Italy, and Cambodia.
Komento ng mga Kim-Pau fans: “Hala, ang kyoot (cute) n’yo naman, Ate Kim! Sana more videos pa ng workout. Char!”
“Bought tickets for my whole family here in NYC! Can’t wait to watch!”
SA Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), ibinulgar ni Keanna Reeves na iniyakan niya noon si John Prats.
Nagkasama ang dalawa sa Bahay ni Kuya at naging malapit sa isa’t isa nu’ng nasa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) house.
Ayon kay Keanna, nagkaroon siya ng pagtingin kay John habang nasa loob sila ng Bahay ni Kuya.
“Naging best friends kami, tapos may issue-issue sa loob. Kasi may girlfriend s’ya noong pagpasok. Tapos noong paglabas, parang naghiwalay ata sila,” ani Keanna.
Inamin din ni Keanna na may pagkakataong naghalikan sila sa labi, ngunit nagreklamo si John kay Kuya na baka raw ma-misinterpret iyon sa labas.
“Kasi nagki-kiss kami sa lips noon. Tapos nagreklamo s’ya kay Kuya na baka raw ma-misinterpret iyon sa labas. Tapos s’ya naman ‘yung lapit nang lapit, s’ya naman ‘yung kiss nang kiss,” dagdag pa niya.
Ang pinakanasaktan umano si Keanna ay nang ikumpara ni John ang kanyang halik sa isang ina na humahalik sa anak.
“Kaya umiyak ako. ‘Kung nagrereklamo ka, bakit hindi mo sabihin sa ‘kin? Bakit sinasabi mo pa kay Kuya na naiilang ka?’” aniya.
Si Keanna ay sumikat matapos manalo sa reality show na Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 1 noong 2006.