ni Madel Moratillo | June 25, 2020
Trending ngayon sa social networking site na Twitter ang #MCHSDOBETTER.
Sa mga post sa Twitter, ikinukuwento ng ilan sa mga sinasabing naging estudyante ng Miriam College High School ang umano'y harassment ng ilang guro sa paaralan.
Panawagan nila ay hustisya para sa mga nasabing estudyante na mga nasa batang gulang pa.
Nais din nilang mapanagot ang mga mapagsamantalang guro.