ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Sep. 27, 2024
Sari-saring reaksiyon ang natanggap nina Kobe Paras at Kapuso star Kyline Alcantara bilang rumored couple dahil sa kanilang pa-teaser sa IG nu'ng Sept. 24 na may "ia-announce" sila kinabukasan, Sept. 25.
Siyempre, curios ang mga fans kung ang kanilang ‘engagement’ o ‘proposal’ ba ang kanilang iaanunsiyo.
At nu'ng gabi nga ng September 25, naganap na ang inaabangang “special announcement” nina Kyline at Kobe, at 'yun ay ang pagbibidahan palang mini-series ng couple.
Dismayado tuloy ang #KyBe (Kyline at Kobe) fans nang malamang isa palang mini-series ang pagsasamahan ng dalawa at hindi ang inaakala nilang engagement.
Nauna nang nabanggit ni Kyline sa isang panayam sa 24-Oras noong August 16, 2024 na may pagsasamahan silang proyekto ni Kobe Paras at sa China ang shooting nito.
Malaki rin daw ang pasalamat niya sa rumored boyfriend dahil sa pagpayag nitong makasama sa nasabing proyekto.
Sey ni Kyline Alcantara, “We’re ready to explore a lot of things in life and I’m thankful that he said yes kasi I'm excited po to work with him.”
Ang kanilang sweet photos taken in China ay pang-promo lang pala.
Pero, marami pa ring mga fans ang umaasa na magkakatuluyan ang dalawa.
MARAMI ang nagsasabi na ang Hello, Love, Again (HLA) na pagbabalik-tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang kakabog sa bagong naitalang record sa takilya ng Un/Happy For You (UFY) nina Julia Montes at Joshua Garcia na umabot ng P450 million ang gross worldwide nito lang nagdaang linggo.
Well, strike the iron while it’s hot, ayon sa Star Cinema, kaya’t may playdate na ang HLA ng KathDen film ngayong November 13.
Kaya naman, ngaragang tinapos ni Direk Cathy Garcia-Sampana ang reunion movie ng KathDen. Balita pa ng Star Cinema, after 1 hour na ini-release ang trailer ng HLA, the teaser gained 2.9 million views.
Ipinakita sa teaser ng HLA ang pagsubok sa kani-kanyang buhay nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) para makamit ang pinapangarap na magandang buhay.
Puzzled ang fans kung ano ang mangyayari sa love story nina Ethan at Joy sa sequel ng
Hello, Love, Goodbye na naging blockbuster hit nu'ng 2019 at kumita nang halos umabot sa P1 billion.
“Ang dami kong gustong malaman — kumusta si Joy? Is Ethan okay? Nag-survive ba ‘yung LDR (long-distance relationship) nila? Kamusta ‘yung buhay n’ya sa Canada? Nagawa n’ya ba ‘yung dreams n’ya? Hello, Love, Again will provide all the answers to my questions, and to all our questions, hopefully,” saad ni Kathryn sa naganap na press conference ng HLA last
May at kung ano ang aabangan pa sa kasunod na sequel.
Ayon naman kay Alden, ang HLA movie was a dream come true for him.
“Hinintay ko rin s’ya. After seeing the film over and over again, ‘yung pangarap na ‘yun ang nasa puso ko lang in the past five years. So, finally nga, ito na nga, dreams come true talaga,” pahayag ng Kapuso actor.