ni Julie Bonifacio - @Winner | October 10, 2021
Binatikos nang todo si Karla Estrada sa pagsama niya sa isang partylist na bumoto sa Kongreso para ma-deny ang prangkisa ng ABS-CBN.
In fact, nag-top trending pa ang #WithdrawKarlaEstrada sa Twitter after she filed her COC.
And from what we saw sa Twitter that day, nagkagulo ang mga fans ng love team ng anak ni Karla na si Daniel Padilla at ng onscreen and offscreen partner nitong si Kathryn Bernardo, ang KathNiel.
Most of those netizens na nagpu-push na mag-withdraw si Karla ng kanyang COC ay ang KathNiel fans. At kahapon nga, nag-number one trending ang #KathNielGising.
Kahapon din ay naglabas ng pahayag ang ABS-CBN ukol sa pagtakbo ni Karla bilang kapanalig ng partylist na bumoto ng denial para mabigyan ng prangkisa ang Kapamilya Network.
"In her desire to continue serving her kababayans, Karla Estrada has decided to run for public office. We respect her decision and wish our Kapamilya well as she pursues her mission of service," mensahe mula sa ABS-CBN.
On her side, nagpaliwanag naman si Karla sa ginawa niyang desisyon.
"Nagpaalam ako sa aking mga bosses sa ABS-CBN at ako naman ay pinayagan nila at talagang susuportahan nila ako. Hangad ko na magkaroon ng boses ang aking mga Kapamilya sa Kongreso," esplika ni Karla.
Pramis ni Karla, kapag dumating daw sa usapin tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN, magiging bukas ang partylist na kinaaniban niya sa usapin ng “mother network” nila ng kanyang anak na si Daniel.
Pero mukhang hindi kumbinsido ang KathNiel fans sa sinabi ni Karla.
"‘Respect’ is different from ‘Support’. Pero Tita Karla, sana ikaw din po, natututong rumespeto. If you did, you would have never decided to run under that partylist #KathNielGising”
“Tumatakbo bilang public servant para makatulong. Hindi po ba? But this is NOT the only option to help. NOT for the same party list who said yes to shutting down the company she and her son worked for.”
“Kaya nga.. hugas-kamay si Karla.. grabe na ang kakapalan.”
Si Karla ay isa sa mga hosts ng Kapamilya morning talk show titled Magandang Buhay with Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.
Ang Magandang Buhay ay napapanood mula Lunes hanggang Biyernes bago mag-It’s Showtime sa A2Z at Kapamilya Channel.