ni Beth Gelena @Bulgary | Dec. 4, 2024
Photo: Donny at Belle - Instagram
Si Donny Pangilinan ang cover ng latest issue ng Vogue Man Philippines.
Ang teaser niya sa magazine, “I’m in a position to help improve the lives of others around me and those who don't have the same privilege and have so much potential to be so much more. I love that I can be a vessel.
“Being part of change in general will always be something that I look for and be hungry for when I do anything. I love seeing other people happy, especially the ones I love.”
May bagong project si Donny kung saan kapareha niya ang perennial screen partner na si Belle Mariano, ang How To Spot A Red Flag (HTSARF).
Sa kanyang Instagram (IG) account ay may post ang actor ng ilan niyang photos mula sa photoshoot.
Hindi napigilan ng Gen Z girls na hindi humanga sa guwapong anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.
Sey ng marami: “GWAPO SOOOO MUCH.”
“Most handsome of this generation.”
“Ang pogi ng jowa mo @bellemariano sana all.”
Kinontra naman ng isang commenter ang komento, “‘Di n’ya dyowa ‘yan, ‘di nagdyo-jowa si Belle ng red flag, 'teh.”
Ang kanyang celebrity mom namang si Maricel ay hindi napigilan ang sarili na maging proud sa anak at nagkomento siya ng clap emojis.
Maging ang kanyang ama ay nagbigay din ng komento.
“Whooahhh, thank you @voguephilippines for this honor. Proud of you, son!”
Ipinost ni Jake Ejercito sa Facebook ang bagong convo nila ng anak na si Ellie tungkol sa kanyang latest achievement.
Very proud na ibinalita ng ama sa anak na sumali siya sa Angkor Wat International Half Marathon sa Cambodia at nakumpleto niya umano ang 21 KM race.
Masaya niya itong itinext kay Ellie pero ang simpleng sagot na natanggap ng celebrity father, “Morning.”
Kalakip ang kanyang larawan na naka-jersey, ani Jake, “I swear she’s proud of me #JEllieConvos.”
Natawa ang mga netizens sa effortlessly cool reaction ni Ellie Ejercito.