top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 7, 2022



Pinaghahandaan na ng first Pinay Olympic gold medalist, weightlifter Hidilyn Diaz ang kanyang kasal sa nobyong coach-trainer na si Julius Naranjo.


Ang kanyang wedding gown ay nakatakdang gawin ni Francis Libiran.


Ito ay inanunsiyo ni Libiran sa kanyang Instagram account noong March 2 kung saan nag-post siya ng picture kasama ang Olympic champion at fiance nito na si Naranjo. Kasama rin ang business partner ni Libiran na si Arsi Baltazar.


“Love is Golden. The World Champion deserves only the gold standard in fashion design on her special day!,” pahayag sa oage ni Libiran. “#FrancisLibiran is beaming with pride to be chosen by 2020 Tokyo Olympics Gold Medalist #HidilynDiaz (@hidilyndiaz) and fiancé Julius Narajo (@imjulius) as the official designer for their much-awaited wedding.”


Samantala, pinasalamatan ni Baltazar sina Diaz at Naranjo sa pagpunta sa kanilang atelier at pagpili kay Libiran bilang designer ng kanyang gown.


“Indeed, @francislibiran8 and I are so thrilled for this huge milestone project with you!,” aniya sa kanyang Instagram page. “It is absolutely an honor and a pleasure!”


Matatandaang inanunsiyo nina Diaz at Naranjo ang kanilang engagement noong Oktubre ng nakaraang taon.

 
 

ni Lolet Abania | July 28, 2021



Ipinahayag ni Armed Forces of the Philippines chief Cirilito Sobejana ngayong Miyerkules na si weightlifter Hidilyn Diaz ay binigyan ng promosyon bilang staff sergeant rank matapos na magwagi ng unang gold medal ng bansa sa 2020 Tokyo Olympics.


Sa isang statement, sinabi ni Sobejana na ang promosyon ni Diaz ay inaprubahan ng Philippine Air Force nitong Hulyo 27. “The Philippine Air Force through its Commanding General approved the promotion of Sgt Hidilyn Diaz effective 27 July 2021 to the rank of Staff Sergeant,” ani Sobejana.


“We laud and support this move at the General Headquarters to mark SSg Diaz’ remarkable achievements in the field of sports and for bringing pride and glory to our country,” dagdag ng opsiyal. Pinuri ni Sobejana si Diaz sa kanyang husay at determinasyon habang sinabing labis siyang ipinagmamalaki ng AFP.


Nitong Lunes, nakamit ni Diaz ang kauna-unahang gold medal ng bansa sa Olympics nang magwagi siya sa women’s 55-kg weightlifting event ng 2020 Tokyo Olympics na ginanap sa Tokyo International Forum.


Ang pagkapanalo ni Diaz ang tumapos sa halos century-long Olympic gold medal drought ng Pilipinas mula nang sumali ang bansa sa games noong 1924. Mula noon ang bansa ay nagwagi lamang ng 3 silvers at 7 bronze medals. Gayundin, si Diaz ay nagwagi na ng silver medal sa women’s 53-kg category sa 2016 Rio Olympics.


 
 

ni Lolet Abania | July 28, 2021



Dumating na sa bansa ang kauna-unahang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz ngayong Miyerkules nang hapon.


Sakay ng Philippine Airlines flight si Diaz kasama ang kanyang team na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Una nang sinabi ng Pinay weightlifter na nasasabik na siyang umuwi sa Pilipinas para makasama ang kanyang pamilya.


Bago pa umalis sa Japan, si Diaz ay nanatili sa Malaysia simula pa noong nakaraang taon matapos na ma-stranded dahil sa COVID-19 lockdown. “[Excited akong] ipakita sa inyo ang medalyang napanalunan ko nu'ng isang araw at naipakita na kaya nating mga Pilipino,” ani Diaz sa isang video.


Nakamit ni Diaz ang makasaysayang laban nang magwagi sa women’s weightlifting 55-kg category. Bukod kay Diaz, ang team ng manlalaro sa skateboarding na si Margielyn Didal ay umuwi na rin sa bansa ngayong Miyerkules. Si Didal ay nasa 7th sa finals ng street skate event.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page